19 Pinoy athletes palaban sa Olympic Gold — Ramirez
- Published on July 22, 2021
- by @peoplesbalita
Habang papalapit ang Tokyo Olympic Games ay lalong lumalakas ang paniniwala ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez na makakamit ng bansa ang kauna-unahang Olympic gold medal.
Ito ay sa kabila ng matinding kompetisyon na sasabakan ng 19 Pinoy athletes sa kani-kanilang events sa quadrennial event na magsisimula sa Hulyo 23.
“The 19 athletes we have, sa pananaw ko, this is the strongest and most prepared (contingent),” sabi ni Ramirez kahapon sa isang online press conference.
Pamumunuan nina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz, 2021 US Women’s Open champion Yuka Saso at world champion gymnast Carlos Edriel Yulo at boxer Nesthy Petecio ang tropa.
“It’s historic, as presiding chairman, I might be a witness of the first gold,” wika ng 71-anyos na PSC chief na nakatakdang magtungo sa Tokyo sa Hulyo 22.
Hangad ng bansa ang mailap na Olympic gold sapul nang lumahok noong 1924 sa Paris, France.
Kumpiyansa rin si Ramirez sa tsansa sa Olympic gold nina pole vaulter Ernest John Obiena, boxer Eumir Felix Marcial at skateboarder Margielyn Didal.
Ayon sa PSC head, higit sa P2 bilyon ang ginastos ng sports agency para sa training, foreign exposures at iba pang gastusin ng mga national athletes.
Ang iba pang tatarget ng medalya sa Tokyo Olympics ay sina boxers Irish Magno at Carlo Paalam, shooter Jayson Valdez, judoka Kiyomi Watanabe, taekwondo jin Kurt Barbosa, golfers Juvic Pagunsan at Bianca Pagdanganan, swimmers Luke Gebbie at Remedy Rule, trackster Kristina Knott, rower Chris Nievarez at weightlifter Elreen Ando.
-
Kiamco kampeon sa Behrman Memorial 9-Ball
Namayagpag si two-time Asian Games silver medalist Warren Kiamco sa 5th Annual Barry Behr-man Memorial Spring Open 9-Ball na ginanap sa Q Master Billiards sa Virginia, USA. Hindi nakaporma sa tikas ng Cebu City pride si Manny Chau ng Peru matapos itarak ang impresibong 11-5 desisyon sa championship round. Ito ang […]
-
WHO official: ‘Hindi lockdown ang pangunahing responde sa COVID-19’
MISMONG special envoy ng World Health Organization (WHO) para sa COVID-19 ang nagsabi: hindi suportado ng organisasyon ang mga lockdown bilang hakbang sa pagkontrol ng coronavirus. Sa isang panayam, sinabi ni Dr. David Nabarro na ang masyadong pag-depende ng mga bansa sa lockdown ay posibleng magbunga ng hindi magandang epekto sa global economy. […]
-
‘Boss’ ng ‘pastillas’ scheme, 3 pang ex-Immigration officials pina-contempt ng Senate panel
NA-CITE in contempt ng isang Senate panel ang sinasabing “boss” ng corruption scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at tatlong iba pang sangkot na dating opisyal ng Bureau of Immigration (BI). Kinilala ang mga ito na sina dat- ing Bureau of Immigration Deputy Commissioner Marc Red Mariñas; dating Immigration Special Operetions Communications Unit […]