2 bagets huli sa aktong sumisinghot ng shabu
- Published on November 21, 2020
- by @peoplesbalita
Arestado ang dalawang hinihinalang sangkot sa droga, kabilang ang 17-anyos na binatilyo matapos mahuli sa akto ng mga tauhan ng Maritime Police na sumisinghot ng shabu sa Navotas City.
Kinilala ni Northern Maritime Police Station (MAPSTA) head P/Maj. Rommel Sobrido ang naarestong suspek na si Joel Dela Cruz, 18 ng Brgy. Tañong, Malabon city at ang 17-anyos na binatilyo ng Daang Hari, Navotas.
Sa report ni Major Sobrido kay MARPSTA Chief P/Col. Ricardo Villanueva, dakong 5:30 ng madaling araw nang magsagawa ng routine patrol ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia sa Palengke St., Market 3, NFPC, Brgy. NBBN.
Dito, naaktuhan ng mga pulis ang mga suspek na sumisinghot ng shabu sa isang nakabukas na kubo na naging dahilan upang arestuhin ang dalawa at narekober sa kanilang improvised aluminum foil pipe, aluminum foil strip na may bahid ng shabu at isang lighter.
Ani MARPSTA PSMS Bong Garo II, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Pamahalaan nakaalerto sa mga magtatangkang ibenta ang bakuna kontra COVID-19
NAGBABALA ang Malakanyang laban sa mga posibleng magsamantala at pagkaperahan ang COVID-19 vaccine. Ang paalala ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko ay libre ang bakuna at hindi ito ibinebenta. Aniya, walang bayad ang bakuna sabay panawagan sa publiko na ipagbigay alam sa kanila ang anumang impormasyon na may nagbebenta ng COVID vaccine. […]
-
Kaligtasan ng fans vs COVID-19, una sa PBA
PINAKAUNA sa lahat para sa Philippine Basketball Association (PBA) ang kaligtasan ng mga manonood kaya tiniyak ng propesyonal na liga na nakalatag ang hakbang pangkaligtasan kapag nagbukas ang 45th season sa Linggo, Marso 8, sa likod ng coronavirus outbreak. Inatasan ng PBA ang venues na ng bawat games na magkaloob ng medical supplies kagaya […]
-
Abalos, hinikayat ang mga residente ng NCR na bumili ng P39/kg. rice sa ‘Super Kadiwa’ stores
HINIKAYAT ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga residente ng National Capital Region (NCR) na bisitahin ang ‘Super Kadiwa’ centers para makabili ng bigas sa halagang P39/kg. at iba pang abot-kayang “high-quality produce.” “Malaking katipiran po ito para sa ating mga kababayan sa Metro Manila dahil sa […]