• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 bata ni Pacquiao mas bet sa amo si McGregor

MAS gusto ng kampo ni World Boxing Association (WBA) super welterweight champion Emmanuel Pacquiao na si dating Ultimate Fighting Championship (UFC) featherweight at lightweight titlist Conor Anthony McGregor ng Ireland ang makalaban sa papasok na taon.

 

Ito ay kaysa kina World Boxing Council (WBC), International Boxing Federation (IBF) ruler Errol Spence Jr. at World Boxing Organization (WBO) title holder Terrence Crawford ng kapwa EstadosUnidos.

 

Ayon ito Huwebes kina Jayke Joson, special assistant at business partner ng Pinoy ring icon, at Arnold Vegafria, business manager ng eight-division world boxing champ, lalo’t pa’t handa anilang gastahanang bakbkan  ni Paradigm Sports Management president Audie Attar sa 2021 sa Dubai, United Arab Emirates.

 

Si Attar ang manager din ni mixed martial arts star McGregor, binayaran ang kanyang  bata ng $130M

 

(P6.2B) nang labanan si four-division world professional men’s boxing champion Floyd Mayweather Jr. ng USA na tumanggap ng ng $270M (P12.9B)

 

Tiwala ang dalawang opisyal na limpak din ang kikitain ng kanilang amo kung si McGregor ang kakasahan kaysa sa sinuman sa dalawang Amerikano.(REC)

Other News
  • PVL bubble training sa Subic o Clark

    Isa sa Subic at Clark sa Pampanga ang tinitingnan ng Premier Volleyball League (PVL) na pagdarausan ng ‘bubble’ training ng mga koponan bilang paghahanda sa kanilang Open Conference.     Ito ay dahil sa kasalukuyang ipinatutupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa NCR Plus nkaya hindi makapag-ensayo ang mga PVL teams.     Sakaling […]

  • PDu30, tiwala pa rin kay Diokno

    NANANATILING nagtitiwala pa rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na nahaharap ngayon sa reklamong paglabag sa anti-graft and practices act law sa Ombudsman dahil sa di umano’y anomalyang kontrata para sa produksyon ng national identification cards. Nanindigan si Presidential spokesperson Harry Roque sa integridad ni Diokno […]

  • Pagpahintulot ng DFA na gamitin ang Sinovax vaccine sa Senior citizen, suportado ng PGH chaplain

    Sang-ayon si Jesuit Priest Rev. Fr. Marlito Ocon, head chaplain ng Philippine General Hospital sa desisyon ng Food and Drug Administration na pahintulutan na ang mga Senior Citizens na makatanggap ng Sinovac vaccine laban sa coronavirus disease.     Ito’y bunsod ng kakulangan ng supply ng AstraZeneca vaccine na mas epektibo ng 85 porsyento, kumpara […]