2 illegal na nagbebenta ng wildlife, timbog sa Maritime police
- Published on July 11, 2024
- by @peoplesbalita
DALAWANG katao na illegal umanong nagbebenta ng wildlife ang nalambat ng mga tauhan ng Northern NCR MARPSTA sa magkahiwalay na entrapment operation sa Tondo Manila at Quezon City.
Ayon kay Northern NCR MARPSTA Chief P/Major Randy Veran, ikinasa ng kanyang mga tauhan ang entrapment operasyon, kaugnay sa All Hands Full Ahead na isinagawa ng Northern NCR MARPSTA.
Batay sa ulat, dakong alas-2:20 ng hapon noong July 9, 2024 nang magsagawa ang mga tauhan ni Major Veran ng entrapment operation sa Herbosa St., Barangay 91, Tondo Manila na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “Mark” kung saan nakuha sa kanya ang isang Indian Ring Neck Parrot.
Nauna rito, bandang alas-9:10 ng gabi noong July 4, 2024 nang masakote naman ng kabilang team ng Northern NCR MARPSTA si alyas “Genesis” sa entrapment operation sa kahabaan ng Quirino highway, Barangay Pasong Putik Proper, Quezon City at nakuha sa kanya ang isang Leopard Gecko.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec. 27, para (e) “Trading of Wildlife” at para (f) “Possession of Wildlife Species” nang R.A. 9147 (Wildlife Resources Conservation Protection Act.) in relation to Sec. 6 nang R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012). (Richard Mesa)
-
PDu30, personal na nagpaabot nang pagbati sa mga miyembro ng PSG na nakapasa sa Bar exams
PERSONAL na binati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na pumasa sa 2020/2021 bar examinations. Sa isang text message, sinabi ni PSG spokesperson Major Zeerah Blanche Lucrecia, na nakipagkita ang mga bar passers kay Pangulong Duterte para sa isang photo opportunity sa Malago Clubhouse sa Malakanyang […]
-
DOTr: MM subway 2025 pa ang partial opening
PINAHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na ang partial opening ng Metro Manila Subway project ay nalipat sa 2025 dahil sa mga challenges na dinulot ng pandemyang COVID-19 sa bansa. Sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na ang targeted partial opening ng Metro Manila Subway ay sa 2025 habang ang buong operasyon […]
-
Magkapatid arestado sa baril at shabu sa Valenzuela
Arestado ang isang wanted person at kanyang kapatid na babae matapos makuhanan ng baril at higit P.5 milyon halaga ng shabu makaraang isilbi ng pulisya ang warrant of arrest kontra sa isa sa mga suspek sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga naarestong suspek na si Jeremy Flores y Elefanio, 28, […]