• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 kelot arestado sa pagnanakaw ng cellphone sa Navotas

BINITBIT sa selda ang dalawang kelot matapos arestuhin ng pulisya makaraang ireklamo ng pagnanakaw ng cellphone sa Navotas City.

 

 

Kasong paglabag sa Art 308 of RPC (Theft) ang isinampa ng pulisya laban sa mga naarestong suspek na sina alyas Ronel, 18, at alyas Emir, 20 kapwa resident ng lungsod.

 

 

Sa imbestigasyon nina PSSg Christian Geremie Tangan at PCpl Dylan Renon, habang nagpapatrolya sa Brgy. Bagumbayan South ang mga tauhan ng DMFD-NPD, Revitalized Pulis sa Barangay (RPSB) Team 12 sa pangunguna ni PCMS Roberto Santillan, kasama sina PSSg Carlo Angelo Delivio, PSSg Michael Estacion, PSSg Jayson Delos Reyes, Pat Mildred Gonzales, Pat Razel Buhante at Pat Jomaroy Pahati.

 

 

Dito, lumapit at humingi ng tulong sa grupo ni PCMS Santillan ang biktimang si alyas Rodolfo, 55, biyudo para iulat sa kanila ang ginawa umanong pagnanakaw ng mga suspek sa kanyang cellphone.

 

 

Kaagad namang nagsagawa ng follow -up operation sina PCMS Santillan na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong 11:20 ng umaga sa Taganahan St., Brgy. Bagumbayan South at narekober sa kanila ang cellphone na biktima na nagkakahalaga ng P,7000.

 

 

Binigyan naman ng commendation ni Navotas Police Chief P/Col. Mario Cortes ang RPSB Team 12 para sa kanilang huwarang pagganap sa tungkulin bilang mga tagapagpatupad ng batas na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Other News
  • Bilang ng mga Pinoy na target mabakunahan ng aangkating Covid-19 vaccine, sapat na upang makamit ang herd immunity- Malakanyang

    TIWALA  ang Malakanyang na maaabot ng gobyerno ang tinatawag na herd immunity sa gitna ng target na makapagbakuna ng  hanggang 60 milyong mga filipino.   Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson  Harry Roque kasunod ng naging pahayag ni Dr Tony Leachon na para maabot ang herd immunity ay kailangang 60 hanggang 70 porsiyento ng populasyon […]

  • Ads December 29, 2020

  • Jeep at iba pang pampublikong sasakyan, payagan nang bumiyahe

    Hinikayat ng grupong Gabriela ang gobyernong Duterte na payagan na ang mga jeep, bus at iba pang mass transport services na makabiyahe ngayong nasa ilalim  na ng general community quarantine (GQC) ang Metro Manila at ilan pang karatig na lugar sa bansa.   “Malinaw ngayong unang araw ng GCQ ang parusang dulot sa komyuter at drayber […]