2 most wanted persons, timbog sa Valenzuela
- Published on November 9, 2022
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang dalawang lalaki na listed bilang most wanted sa Valenzuela City matapos maaresto sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya in relation to SAFE NCRPO sa naturang lungsod.
Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Jino Gabriel Yu, 18, at residente ng Brgy. Ugong ng lungsod.
Ayon kay Col. Destura, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLt. Robin Santos ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Yu sa JB Juan St. Brgy. Ugong dakong alas-5:35 ng hapon.
Ani PLt. Santos, si Yu ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Mateo B Altarejos ng Family Court Branch 16, Valenzuela City, para sa kasong paglabag sa Section 5(B) of R.A. 7610 (3 counts).
Sa Brgy. Gen T De Leon, nalambat naman ng mga tauhan ng Sub-Station 2 at WSS sa joint manhunt operation sa Sitio Kabatuhan Compound 2, dakong alas-10:20 ng umaga ang isa pang most wanted sa lungsod.
Kinilala ni SS2 Commander P/Major Randy Llanderal ang naarestong akusado bilang si Jimmy Melanio, 43 ng Brgy. Gen T De Leon.
Si Melanio ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Orven Kuan Ontalan Regional Trial Court (RTC) Branch 285, Valenzuela City, para sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale), and Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drug) Art. II of R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Derictor P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela police sa pamumuno ni Col. Destura dahil sa matagumpay na operation kontra wanted persons. (Richard Mesa)
-
PDU30, gustong imbestigahan ng DoH ang “false positives” ng PRC
HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Department of Health (DOH) na imbestigahan ang napaulat na reklamo tungkol sa “false positives” ng Covid-19 tests na ginawa ng Philippine Red Cross (PRC). Sa kanyang Talk to the People, araw ng Lunes ay sinabi ng Pangulo na nakatanggp siya ng ulat na mayroong “false-positive results” sa […]
-
Ice hockey player, tulog sa suntok
MALAMIG ang pinaglalaruan pero mainit ang naging eksena sa American Hockey League nang magsuntukan ang dalawang magkalaban sa gitna ng yelong rink. Sa ikalawang yugto ng laro ay makikitang nagkainitan sina Hershey Bears center Kale Kessy at Charlotte Checkers D-man Dereck Sheppard matapos nilang hubarin at bitawan ang kanilang sticks at gloves at saka […]
-
15-ANYOS NA BINATILYO TIMBOG SA P28K SHABU
ISANG 15-anyos na binatilyo ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P28,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa gitna ng lockdown sa Navotas city, kamakalawa ng gabi. Kinilala lang ang suspek sa alyas “Enteng” na natimbog ng mga operatiba ng Navotas Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) dakong alas-8::05 ng […]