2 sangkot sa droga tiklo sa P340-K shabu
- Published on October 2, 2020
- by @peoplesbalita
DALAWANG hinihinalang drug personalities ang nasakote matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Michael Sison alyas Puroy, 42 at Roy Evangelista, 23, ng 168 Doon Compound Parada.
Nauna rito, nakatanggap ng tip mula sa kanilang pinagkakatiwalaang impormante ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa talamak umanong pagbebenta ng ilegal na droga ni Sison kung saan mistulang pila balde umano ang bumibili ng shabu sa suspek.
Kaagad nagsagawa ng buy- bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Renato Ramento sa bahay ni Sison sa 19 Cattleya St. Bahayang Pag-asa, Brgy. Maysan kung saan nagawang makapagtransaksyon ni PCpl Dario Dehitta na nagpanggap na poseur-buyer sa mga suspek ng P7,000 halaga ng shabu.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula kay PCpl Dehitta kapalit ng shabu ay agad lumapit ang back up na si PSSg Samson Mansibang at PCpl Ed Shalom Abiertas saka inaresto si Sison at Evangelista.
Ayon kay SDEU PSSg Ana Liza Antonio, aabot sa 50 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P340,000 ang halaga, buy-bust money na binubuo ng 1 tunay P1,000 bill at 6 piraso boodle money, P1,300 cash at cellphone ang narekober ni PCpl Abiertas kay Sison habang nakuha cellphone naman ang nakuha ni PSSg Mansibang kay Evangelista. (Richard Mesa)
-
Olympic at SEAG-bound delegates babakunahan na sa Biyernes
Sa Biyernes sisimulan ang pagtuturok ng coronavirus disease (COVID-19) vaccines sa mga miyembro ng Team Philippines na sasabak sa 2021 Olympic Games at sa Southeast Asian Games. Gagawin ang bakunahan sa Manila Prince Hotel sa San Marcelino St. sa Maynila, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino. “Ang […]
-
DOH, umaasang magpapatuloy na ang pagbaba ng Covid -19 cases sa NCR
UMAASA ang Department of Health (DoH) na magtutuluy-tuloy na ang pagbaba o ang downtrend ng mga Covid-19 cases sa bansa partikular na sa Metro Manila, lalo na’t wala nang malalaking event na inaasahan sa mga susunod na araw. Ito ang sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire sa ginanap na Malakanyang Public Briefing. […]
-
Ayonayon hahalilipara kay Fonacier
HINDI makakapaglaro ang beteranong si Larry Fonacier ng NLEX Road Warriors sa 45 th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 eliminations bubble sa Clark Freeport sa Angeles, Pampanga sa Oktubre 11. Ayos lang kay Joseller (Yeng) Guiao dahil may kayang rumelyebo sa puwesto ni Fonacier ang may ibubuga kahit bagito pa lang na […]