• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

300MT bigas para sa mga biktima ng bagyong ‘Odette’ dumating na mula Japan

MAGKASAMANG sinalubong nina Japan Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko at National Food Authority (NFA) Administrator Judy Carol Dansal ang pagdating ng 300 metriko toneladang Japanese rice sa ilalim ng inisyatiba ng Asean Plus Three Emergency Rice Reserve (APTERR) initiative sa NFA warehouse sa Valenzuela City.

 

 

Ang bigas na ito ay dadalhin at ipamamahagi sa mga apektadong pamilya dahil sa bagyong Odette sa mga lugar ng Cebu, Bohol, at Surigao del Norte.

 

 

Hinihintay lamang na maibigay sa NFA ang approval ng APTERR Council.

 

 

Sa isinagawang official inspection ng rice stocks, binigyang-diin ni Koshikawa na nangako ang Japan na susuportahan ang PIlipinas na makabangon mula sa matinding dagok na iniwan ng nasabing bagyo.

 

 

“We hope these tons of rice will be delivered soon to nourish typhoon affected families,” anito.

 

 

Ang APTERR ay isang regional cooperation na nagsimula noong 2012. Naglalayon itong palakasin ang food security, poverty alleviation, at malnourishment eradication sa hanay ng kanilang member countries.

 

 

Upang mapagtagumpayan ang iisang layunin, sumang-ayon ang APTERR Parties na magtatag ng rice stocks para tulungan ang mga member countries sa panahon ng “large-scale natural disasters.”

 

 

Sa Pilipinas, libo-libong tonelada ng stockpiled rice mula Japan sa ilalim ng APTERR ang naipamahagi para sa mga nagdaang typhoon victims gaya ng Super Typhoon Yolanda noong 2013, Typhoon Ineng noong 2015, at Typhoon Jenny noong 2019.

 

 

Taong 2020, nagbigay din ang Japan ng 425 metriko toneladang bigas sa mga kabahayan na apektado naman ng Taal Volcano eruption at noong nakaraang taon, ang pre-cooked rice ay ipinamahagi sa mga pamilya na apektado ng Covid-19 sa Quezon City, Maynila, at ilang piling bahagi sa Bulacan at Cavite. (Daris Jose)

Other News
  • Pagkalat ng ‘mutated’ COVID-19, pinipigil na ng DOH

    Nagsasagawa na ngayon ng aksyon ang Department of Health (DOH) sa Central Visayas para mapigilan  at hindi na kumalat ang natuklasang dalawang ‘mutated’ na COVID-19.     “The DOH recognizes the potential public health implications of these reported mutations in samples from Region 7. The Center for Health Development (CHD) in Central Visayas has initiated […]

  • Jimuel Pacquiao tagumpay ang US debut

    TAPOS na ang makulay na professional boxing career ni Manny Pacquiao habang nagsisimula pa lang ang kanyang anak na si Jimuel.     Panalo kaagad ang naitala ng 20-anyos na si Jimuel matapos talunin si American Andres Rosales sa kanilang three-round, junior welterweight amateur fight kahapon sa House of Fights sa San Diego, California.   […]

  • Standing ng Pilipinas sa buong mundo ukol sa usapin ng case fatality rate dahil sa COVID-19, tumaas

    TUMAAS ang standing ng Pilipinas sa ranking ng World Health Organization at Johns Hopkins kung pag- uusapan ay case fatality rate.   Sa isinagawang presentasyon ni Presidential spokesperson Harry Roque ay makikitang umangat sa 2.2 ang case fatality ng bansa.   Ani Sec. Roque, mula 67 ay nasa 60 na ngayon ang puwesto ng Pilipinas […]