• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 DRUG PERSONALITIES TIMBOG SA P.6-M SHABU

KALABOSO ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Mark Anthony Ellaso, 35, Jose Taguiwalo, 48, Dennis Cruz, 49 at Rey Hernando, 34, (pusher/listed).

 

Ayon kay Col. Tamayao, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal activities ng mga suspek kaya’t ikinasa ng mga ito ang buy-bust operation sa pangunguna ni PLT Adonis Aguila.

 

Nagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng isang undercover pulis na nagpanggap na poseu-buyer ng P1,000 halaga ng shabu at napagkasunduan ng mga ito na magkita sa Dr. Lascano St. corner Concepcion St. Brgy. Tugatog.

 

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang 49 plastic sachets na naglalaman ng 100 gramo ng shabu na nasa P680,000 ang halaga at buy-bust money.

 

Sasampahan ng pulisya ng kasong Sec. 5 (sale) at Sec 11 (possession dangerous drugs) Art II of RA 9165 ang mga suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Kiefer nag-sorry sa NLEX, PBA

    Masaya si NLEX Road Warriors ace Kiefer Ra­vena na mabibigyan ito ng tsansang makapaglaro sa Japan B.League kasama ang Shiga Lakestars.     Subalit bago tumulak sa Japan, humingi ng tawad si Ravena sa pamunuan ng NLEX at ng liga sa a­ber­yang naidulot ng biglaang announcement ng pagla­laro nito sa Shiga.     “I apologize […]

  • Amanda Villanueva, may lalim ang hugot

    HINDI na nakontrol ni indoor volleyball star Amanda Villanueva ang emosyon nang isapubliko ang kanyang malalim na hugot.   Sa Twitter account ng paalis sa Philippine SuperLiga (PSL) at pabalik ng Premier Volleyball League (PVL) player, dama na may pinagdadaanan  siya na hindi lang sa pinangalanang isang kaibigan.   “They are your friend until they […]

  • Pagbibitiw ni Duque iginiit

    Lumusob noong Miyerkoles ng umaga ang daan-daang healthcare workers na kaanib ng Alliance of Health Workers at Filipino Nurses United (FNU) sa harap ng head office ng Department of Health (DOH) sa Rizal Avenue, Maynila at nanawagan sa pagbibitiw ni Secretary Francisco Duque III.     Pasado 10:00 ng umaga, unang nagtipun-tipon ang mga health […]