450 solo parents tumanggap ng cash aid
- Published on October 25, 2022
- by @peoplesbalita
NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng panibagong tulong pinansyal sa mga kwalipikadong solo parents sa pamamagitan ng Saya All, Angat All program.
May 450 Navoteño ang nakatanggap ng P2,000 cash subsidy kasunod ng pag-verify ng kanilang bagong-apply at na-renew na solo parent identification card.
Kasama sa ikaapat na batch ng mga benepisyaryo si Angelica Ebrole, 33, single mother mula sa Brgy. Sipac-Almacen. Plano niyang gamitin ang perang natanggap niya sa pang-araw-araw na gastusin sa pag-aaral ng kanyang mga anak.
“Gagamitin ko ang perang natanggap ko para mabigyan ng sapat na baon ang mga anak ko pagpasok sa eskwelahan. Nagpapasalamat ako kay Mayor John Rey sa pag-asikaso nya sa aming mga solo parent,” ani Ebrole.
“Pandadagdag ko po ito sa pambili ng pagkain at school supplies ng mga bata. Malaking tulong po sa amin ang programang ito ni Mayor John Rey,” sabi naman ni Jopel Pastrana, 35, isang single father mula sa Brgy. Navotas East.
Ang Saya All, Angat All Tulong Pinansyal ng LGU ng Navotas para sa mga Solo Parents ay bahagi ng serye ng mga pandemic recovery programs ng pamahalaang lungsod na naglalayong makinabang ang 1,500 rehistradong Navoteño solo parents ngayong taon.
“Our social welfare and development office is already preparing for the fifth and final batch of beneficiaries this year. We encourage Navoteño solo parents to secure their 2022 solo parent ID to qualify for the next payout,” ani Mayor John Rey Tiangco.
Ang Navotas, sa pamamagitan ng Navotas Vocational Training and Assessment Institute, ay nagsagawa rin ng 5-araw na skills training sa foot spa services upang mabigyan ang mga rehistradong solo parents ng isa pang paraan na maghanap-buhay.
Ang pamahalaang lungsod, sa pamamagitan ng City Ordinance No. 2019-17, ay nagbibigay din sa mga indigent solo parents ng P1,000 educational assistance kada school year. (Richard Mesa)
-
Bukod tangi sa NCR, Navotas kinilala ng COA
NAKAMIT ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ikalimang sunod na taon ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) matapos bigyan ng ahensya ng “unmodified opinion” ang presentasyon ng lungsod ng 2019 financial statements nito. Namummukod-tangi ang Navotas na lokal na pamahalaang nakagawa nito sa Kalakhang Maynila. Labis naman itong […]
-
ELIJAH at ADRIANNA, waging Best Actor and Actress sa 2021 Central Boys Love Awards ng Brazil; TONY, ‘Hottie of the Year’
BIG winners sa Brazil’s 2021 Central Boys Love Awards ang mga Pinoy BL series. Gameboys, ang first Pinoy Boys’ Love series ay nagwagi ng apat na awards: Actor of the Year (Elijah Canlas), Actress of the Year (Adrianna So), Couple of the Year (Cairo and Gavreel) and Cast of the Year. Meanwhile, Gaya […]
-
Desidido sa pagka-VP
Itinanggi ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga espekulasyon na magkakaroon ng “substitution” para bigyang daan ang kandidatura ng isang inbdibiduwal sa pagsasabing desidido siyang ituloy ang pagtakbo niyang bise-presidente ng bansa sa darating na 2022 elections. “I can’t speak for the other candidates. Hindi po ako makapagsalita kung ano po ang magiging […]