47 indibidwal, idineklara ng Comelec na nuisance candidate para sa 2025 midterm elections
- Published on November 11, 2024
- by @peoplesbalita
Nasa 47 indibidwal ang idineklara ng Commission on Elections (Comelec) na nuisance candidate para sa midterm elections sa 2025.
Noong nakaraang buwan, nakatanggap ang poll body ng 183 na certificates of candidacy (COCs).
Naglabas din ito ng paunang listahan ng 66 na indibidwal na ang mga pangalan ay maaaring isama sa opisyal na balota.
Nauna nang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na plano nilang resolbahin ang lahat ng nuisance candidate na petisyon sa katapusan ng Nobyembre. ( Daris Jose)
-
PDU30 inako na siya ang sisihin sa kakulangan ng bakuna sa unang bahagi ng 2021
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na siya ang dapat sisihin sa mababang suplay ng COVID-19 vaccines sa unang bahagi ng taon. Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, inamin ng Chief Executive na mahirap makakuha ng sapat na suplay ng bakuna dahil walang manufacturing company sa bansa. “Kung mayroon mang […]
-
Asian Boxing C’ships kinansela
Kinansela ang Asian Boxing Championship sa India na lalahukan sana ng national boxing team bilang paghahanda sa Tokyo Olympics. Nakatakda sanang magtungo ang Pinoy pugs sa New Delhi para magpartisipa sa Asian meet na lalarga mula Mayo 31-31– ang final tuneup ng Tokyo-bound boxers. Subalit kinansela ito ng mga organizers matapos […]
-
HOME SERVICE VACCINATION PARA SA MGA ‘BEDRIDDEN’ NA MANILENYO, ISASAGAWA
MAGSASAGAWA ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng home service vaccination para sa mga “bedridden” na Manilenyo upang sila ay mabakunahan kontra COVID-19. Kasunod ng paglulunsad ng “home service vaccination” , sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na sa pamamagitan nito ay mabibigyan din ng bakuna ang mga may karamdaman at walang kakayanang magtungo […]