5 todas sa sunog sa Navotas
- Published on December 16, 2024
- by @peoplesbalita
LIMA katao, kabilang ang mag-ina at tatlong estudyanteng babae na mga menor-de-edad ang nasawi sa naganap na halos isang na sunog na tumupok sa isang bahay sa Navotas City, Sabado ng umaga.
Kinilala ang mga biktima na sina Sarah Constantino, 41, kanyang anak na si Xylem Lorraine Constantino, 17, senior high, pinsan na si Ruthie Tongco, 11, grade 6, at magkapatid na sina Daniella, 13, grade 8, at Kayla Jocson, 12, grade 6.
Nagpaabot naman ng kanilang taos-pusong pakikiramay at pakikidalamhati sa mga naulila si Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco.
Sa tinanggap na ulat ng Navotas City Public Information Office mula sa Navotas Bureau of Fire Protection (BFP), alas-7:02 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa hindi pa batid na dahilan sa isang bahay sa Gov. Pascual St., malapit sa San Roque Barangay Hall, Brgy.San Roque.
Kaagad itinaas sa unang alarma bandang alas-7:14 ng umaga ang sunog kung saan idineklara itong under control alas-7:42 ng umaga at tuluyang naapula dakong alas-7:53 ng umaga.
Nang pasukin ng mga bumbero ang bahay, tumambad sa kanila ang walang malay na katawan ng mga biktima kaya kaagad silang isinugod sa Navotas City Hospital subalit, hindi na umabot ng buhay ang mga ito dahil sa pagkakalanghap ng usok.
Ayon sa Navotas BFP, walang tinamong sunog sa mga katawan ang mga biktima at wala ring palatandaan na naging biktima sila ng anumang uri ng karahasan.
Patuloy ang imbestigasyon ng BFP para matukoy kung magkano ang halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog habang inalaam pa ang kung anu ang pinagmulan ng nasabing insidente.
Tiniyak naman ni Mayor Tiangco na magpapadala ng tulong sa mga pamilya ng mga nasawi ang lokal na pamahalaan at sasagutin na rin nila ang libing o cremation ng mga biktima.
Nanawagan din ang alkalde sa mamamayan na maging maingat at mapagbantay ngayon panahon ng Kapaskuhan lalu na’t kabi-kabila ang mga sub-standard na ibinebentang Christmas lights. (Richard Mesa)
-
Director James Wan Takes Beyond Atlantis in “Aquaman and the Lost Kingdom”
DISCOVER new worlds, mythical quests, and the challenges of Arthur and Orm. Immerse yourself in a world of color, fantasy, and epic storytelling. James Wan, the acclaimed director of “Aquaman,” is back with a vibrant sequel, “Aquaman and The Lost Kingdom.” This time, the underwater world of Atlantis is not just revisited but expanded, […]
-
‘The Manila Film Festival’, matagumpay ang pagbabalik: VM YUL, nailang sa muling pag-arte at may movie kasama si NORA
ANG orihinal na inilunsad ni dating Manila Mayor Antonio Villegas bilang Metropolitan Film Festival noong 1960s, ay nagbabalik na sa bago nitong pangalan na The Manila Film Festival (TMFF). Sa nilagdaang Memorandum of Agreement noong Pebrero, ibinahagi nga ni Manila Mayor Honey Lacuna kung gaano siya kasaya na maibalik ang magic ng film industry […]
-
Baby girl ang first child nila ni Ben: IZA, nag-post kasama ang kanyang mommy at humihingi ng gabay
NAGSIMULA na palang mag-grind ang next movie ng Viva Films, ang “Martyr or Murderer” na prequel ni Director Darryl Yap sa first blockbuster movie niyang “Maid in Malacanang.” Nagkaroon muna sila ng photo shoot ng cast ng movie, maliban sa gaganap na young Corazon Aquino na pinipili pa nila. Kaya may […]