• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5K contact tracers para sa NCR Plus kukunin ng DOLE

Kukuha ng karagdagang 5,000 contact tracers ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa National Capital Region Plus na magseserbisyo sa loob ng 90 araw o tatlong buwan.

 

 

Ayon kay Bureau of Workers With Special Concerns Director Atty. Ma. Karina Perida-Trayvilla ng DOLE, dapat sana ay 12,000 contact tracers ang kukunin na magta-trabaho sa loob ng 30 araw pero ang nais ng mga local government units ay patagalin ito sa 90 araw kaya nasa 5,000 na lamang ang kanilang makukuha.

 

 

Sabi ni Trayvilla, mas mabuting ang mga residente ng isang LGU ang kuning contact tracers na hahanap ng mga nakasalamuha ng isang may COVID-19.

 

 

Magiging “conduit” lang aniya ang Public Employmeny Service Office kung saan maaaring magpasa ng requirements ang mga nais maging contact tracers.

 

 

Magiging online naman aniya ang tranings ng mga kukuning contact tracers sa online classroom ng Department of Interior and Local Government.

Other News
  • Ngayong tapos na sa pagdidirek ng ”Prima Donnas’ GINA, maninibago sa kanyang role sa first series nina ALDEN at BEA na ‘Start Up’

    MAS lalo pa yatang na-inspire magtrabaho si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes kahit sunud-sunod ang dumarating na work sa kanya.       Bukod kasi sa pagti-taping niya ng daily show niya sa GMA Network, ang high-rating na “Family Feud Philippines,” hands-on pa rin siya sa kanyang delivery business na “Dingdong PH.”     Sa Instagram […]

  • ARA, nadismaya na sa panahon ng pandemya ay may mga taong nais manloko

    GRABE na talaga ang panahon ngayon, gagawin talaga ang lahat para lang makapanglamang o makapangloko ng kapwa.     Sa post ni Ara Mina sa kanyang IG account last week, muntik na ngang mabiktima ang mga staff sa negosyo niyang Hazelberry Cafe na kung saan may isang poser na nag-message sa apat na branches nila […]

  • Work from home, opsyonal sa ilalim ng Alert Level 1- DTI chief Lopez

    MAGIGING opisyal ang work from home arrangement sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 sa susunod na buwan dahil sa pagbuti ng COVID-19 situation sa bansa.     Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na ang onsite work ay hinihikayat sa ilalim ng Alert Level 1.     “Ie-encourage ‘yung onsite work […]