• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

63% Pinoy nagsabing mahirap sila noong Disyembre TUMAAS sa 63 porsiyento o 17.4 milyong pamilyang Pinoy ang ikinokonsidera ang sarili na mahirap, ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa noong Disyembre 2024.

TUMAAS  sa 63 porsiyento o 17.4 milyong pamilyang Pinoy ang ikinokonsidera ang sarili na mahirap, ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa noong Disyembre 2024.
Lumitaw sa survey noong Disyembre 12-18 na ang Self-Rated Poor Families ay tumaas ng apat na puntos mula sa 59 porsyento noong Setyembre 2024.
Sinabi pa ng SWS na ang December survey ang pinakamataas na Self-Rated Poor Families sa loob ng 21 taon mula sa 64% noong ­Nobyembre 2003.
Nabatid pa na ang 2024 annual average Self-Rated Poor Families na 57% ay mas mataas sa 48% annual average na naitala noong 2023 at 2022.
Samantala, ang December 2024 survey ay nagpapakita na 11 porsyento sa mga pamilyang Filipino ang ikinokonsidera ang sarili na nasa borderline o sa gitna ng poor at not poor classifications.
Nasa 26 porsyento naman ang nagsabing hindi sila mahirap.
Ang Mindanao ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga mahirap (76%), sinundan ng Visayas (74%), Balance Luzon (55%) at Metro Manila (51%).
Other News
  • PBA training simula na!

    Umarangkada na ang pagbabalik-ensayo ng PBA teams bilang paghahanda sa PBA Season 46 Philippine Cup na target simulan sa Hunyo 15.     Nanguna ang Meralco Bolts sa mga maagang nakapagsimula matapos makumpleto ang lahat ng requirements kabilang na ang importanteng swab test.     Tumulak kahapon ang buong delegasyon ng Bolts sa Laoag, Ilocos […]

  • Lokal na pamahalaan, kailangan ang ‘greater access’ para sa pondo ng climate change – ULAP

    KAILANGAN ng local government units (LGUs) na gawing simple ang proseso at direktang funding channels upang paganahin ang napapanahon at epektibong pagtugon at makakuha ng ‘greater access’ sa mahalagang resources para tugunan nag global climate change crisis.     Ito ang sinabi ni Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) at United Cities and […]

  • Voter’s registration pinalawig ng 2 oras, kahit holiday pwede na rin – Comelec

    Pinalawig pa ng dalawang oras ng Commission on Elections (Comelec) ang schedule ng voter registration bilang paghahanda sa national at local elections sa 2022.     Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, mula Martes hanggang Sabado bukas ang mga opisina ng Election Officers sa buong bansa para tumanggap ng mga magpapa-rehistrong botante.     Alas-8:00 […]