• April 3, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

80% ng target population sa NCR, bakunado na – DILG

Iniulat ni Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Eduardo Año na nasa halos 80% na ng target population sa National Capital Region (NCR) at 18% hanggang 30% naman sa mga lalawigan, ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

 

 

Aminado naman si Año na malayo pa ito sa kanilang target at matatagalan pa bago makamit ng bansa ang herd immunity laban sa COVID-19.

 

 

Dahil dito, plano aniya ng pamahalaan na pabilisin pa ang pagbabakuna sa mga lalawigan sa labas ng Metro Manila upang maabot ang target na mabakunahan ang 50% hanggang 70% ng kanilang target population pagsapit ng Pasko.

 

 

“Ngayon dito sa Metro Manila nasa 80% na tayo. ‘Yung ibang probinsya outside NCR, nasa 18%, nasa 30% so malayo pa,” ayon pa kay Año.

 

 

Kaugnay nito, sinabi rin ng DILG chief na bukas, Biyernes, ay magdaraos sila ng pulong, kasama ang mga regional directors mula sa mga concerned government agencies at mga piling alkalde at go­bernador, upang talakayin ang pagpapaigting pa ng vaccination program sa mga probinsiya.

 

 

Aniya, palalawakin pa ng pamahalaan ang vaccination sa Central Luzon, Calabarzon, Central Visayas, at Davao, at ma­ging sa iba pang lugar sa bansa.

 

 

Una nang iniulat ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) na hanggang noong Oktubre 14, umaabot na sa halos 24 milyong katao o halos 32% ng target population ang fully-vaccinated na sa CO­VID-19.

 

 

Sinabi na rin naman ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. nitong Martes na hindi na problema ng bansa ang paghahanap ng suplay ng COVID-19 vaccines.

 

 

Sa ngayon aniya ay mayroong mahigit 38 milyong doses ng bakuna sa mga bodega ng pamahalaan na handa nang maiturok sa mga mamamayan upang maprotektahan sila laban sa virus.

Other News
  • Isko at Honey naghanda vs Delta variant

    Upang mapigilan ang pagdami at paglawak pa ng mga posibleng dapuan ng COVID-19 Delta variant ng COVID-19 ay puspusan ang ginagawang hakbang at paghahanda nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna para mapigilan ito.     Ayon sa negosyante at dating konsehal ng Maynila na si Don Ramon Bagatsing, nakita niya ng […]

  • Ilegal na droga, “never-ending one” na problema ng bansa – PDu30

    PUMIYOK si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang problema sa ilegal na droga ay maituturing na “never-ending one” at kapag hindi naresolba ay maaaring malagay ang bansa sa kontrol ng narco-politicians.   “But if you want to see how it can destroy a country, just look at Mexico, [Sinaloa]. They are the ones who dictate […]

  • VCO trials nagpakita nang malaking pagbaba ng virus count sa mild COVID-19 cases

    Nakitaan ng malaking pagbawasa sa coronavirus count ng mga pasyenteng nakibahagi sa community trials para sa virgin coconut oil (VCO) bilang adjunct treatment sa mild COVID-19 cases.     Ayon kay Department of Science and Technology Undersecretary (DOST) Rowena Guevarra, sa pag-aaral sa isang pasilidad sa Sta. Rosa, Laguna lumalabas na binawasan ng VCO ng […]