86% Pinoy stress dahil sa pandemya – SWS
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
NAKAPAGTALA ng 86 porsyentong Filipino ang nakakararanas ng pagkastress dahil sa pandemya ayon sa Social Weather Stations (SWS).
Napag-alamang 58 porsyento ng mga Filipino na may edad na 18 taong gulang pataas ang nakararanas ng lubhang pagkastress; 27 porsyento naman nakaranas ng pagkastress habang 15 porsyento lamang ang nakaranas ng konti o walang pagkabahala.
Sa naitala 58 porsyento dito ay mga lalaki habang 57 porsyento ay mga babae.
Pinakamataas na porsyento ng lubhang stress ay mula sa Visayas na may 64% na sinundan ng Luzon na 58%; Mindanao na may 55%; at 53% sa Metro Manila.
Sa mga sumagot sa survey na lubhang stress, 61% rito ay junior high school graduate; 59% ay mula sa hindi nakapagtapos ng elementarya; 57% ay nasa high school; 56% ang nasa kolehiyo; at 55% ang nakagradweyt ng kolehiyo.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng mobile phone at computer-assisted telephone interview sa 1,249 na Filipino.
Ito ay may sampling error margin na ±3% para sa national percentages, ±6% sa Metro Manila, ±5% sa Balance Luzon, ±6% sa Visayas, at ±6% para sa Mindanao.
-
2 kelot kulong sa sugal, mga bala at shabu sa Valenzuela
SWAK sa selda ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu makaraang maaresto sa sugal at paglalaro ng bala sa Valenzuela City. Sa report ni PSSg Carlito Nerit Jr. kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen ang mga tauhan ni Malinta Police Sub-Station 4 Commander […]
-
August 30 idineklara ni Duterte bilang ‘National Press Freedom Day’
NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ang ilang batas na nagdedeklara sa petsang August 30 bilang “National Press Freedom Day”. Ito ay bilang pagkilala kay Marcelo H. del Pilar, ang ama ng Philippine Journalism, na kilala rin sa kanyang pen name na “Plaridel” na isinilang noong August 30, 1890. Sa […]
-
DINGDONG, sinamahan at all-out ang suporta sa pagiging hurado ni MARIAN sa ‘Miss Universe’
ALAS-ONSE ng gabi noong December 6 ang naging flight ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, kasama rin ang kanyang mister, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na lumipad papuntang Eilat, Israel. Kasama rin ang kanyang glam team na pinangungunahan ni Steven Doloso at ilang staff ng Triple A. All-out […]