95%- 96% ng SIM owners, rehistrado na ang SIM card—DICT
- Published on May 17, 2023
- by @peoplesbalita
TINATAYANG nasa 95% hanggang 96% ng SIM card owners ang nakapagpa-rehistro na ng kani-kanilang SIM card.
“As of May 10, 95 million na po, magna-96 million,” ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy sa isang panayam.
“I expect mga 100 million more or less, so mga 95% to 96% na tayo,” ayon kay Uy nang tanungin ukol sa bilang ng mga registrants na patuloy na hinihintay ng DICT para magparehistro at porsiyento ng kabuuang registration.
Buwan ng Abril, sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC) na hangad ng gobyerno ang 100% registration ng 168 million SIM owners.
Tinukoy ang mga karanasan mula sa ibang bansa na nagpatupad ng SIM registration, sinabi ni NTC Deputy Commissioner Jon Paolo Salvahan na ang average percentage ng registered subscribers ay 70% lamang.
Sa ilalim ng SIM Card Registration Act, ang users ay mayroong 180 araw, o hanggang Abril 26, 2023, para iparehistro ang kanilang SIMs o harapin ang panganib na ma- deactivate ang kanilang SIM card.
Gayunman, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang 90-day extension ng SIM registration period, epektibong inilipat ang deadline sa Hulyo 25, 2023.
Ang kabiguan na magparehistro ay magreresuta ng deactivation ng SIMs.
Sa oras na na-deactivate ang SIM, mapipigilan na ang subscriber na makatanggap at makapagpadala ng tawag at text messages at maka- access sa mobile applications at digital wallets. (Daris Jose)
-
Face shields nakakatulong vs COVID-19 transmission – PMA
Napipigilan ng pagsusuot ng face shields ang pagkalat o hawaan ng COVID-19. Ito ang pagtiyak ng Philippine Medical Association (PMA) kahapon. “Para sa amin ay magsuot pa rin ng face masks, face shield, maghugas ng kamay, at sumunod pa rin ng physical distancing. Malaki ang maitutulong sa proteksyon laban sa COVID-19 […]
-
Nagpapakalat ng ‘fake news’ sa bakuna, kakalusin – PNP
Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police chief Police General Guillermo Eleazar ang fake news na naging dahilan ng pagdagsa ng mga tao sa vaccination sites noong Huwebes. “Nagbigay na ako ng direktiba partikular sa Anti-Cybercrime Group para magsagawa ng malalimang imbestigasyon. Tingnan natin kung meron ba talagang nag-iinstigate ng ganyang mga pananabotahe dahil […]
-
Higit 1,300, bagong med tech; Taga-UST, topnotcher – PRC
INANUNSYO na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang 1,307 mula sa 2,619 na nakapasa sa Medical Technologist Licensure Examination. Ang nasabing pagsusulit ay ibinigay ng Board of Medical Technology na idinaos sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Rosales, San Fernando, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga ngayong January 2022. […]