Minors sa NCR bawal lumabas ng bahay simula Marso 17– MMDA
- Published on March 17, 2021
- by @peoplesbalita
Ipagbabawal ang paglabas ng mga menor de edad sa National Capital Region (NCR) simula Marso 17, sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases sa rehiyon, ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA). Ito ang sinabi ng naturang tanggapan isang araw matapos umabot sa 5,404 ang arawang pagtalon ng kaso — ang ikaapat na pinakalamaki sa kasaysayan ng Pilipinas.
Sa isang statement, sinabi ng MMDA na ang Metro Manila Council ay mayroong binabalangkas nang resolusyon para sa mas mahigpit na mga hakbang.
Ayon sa MMDA, 17 local government units sa NCR ang sakop ng ilalabas na resolusyon na magsasabi na tanging ang mga 18-65 anyos pataas lamang ang papayagan na makalabas ng bahay simula bukas.
- Edad na pwedeng lumabas ng bahay: 18-65 taong gulang simula bukas, ika-17 ng Marso
- Banned sa susunod na dalawang linggo: edad 15-17, bagay na ipatutupad sa 17 pamahalaang lungsod ng National Capital Region (NCR).
Sinabi ni MMDA chairman Benhur Abalos na ginawa ng mga alkalde sa NCR ang desisyon na ito upang sa gayon ay maiwasan ang pagkalat pa lalo ng COVID-19 sa rehiyon. (Daris Jose)
-
DOH, NAGLABAS NG CIRCULAR PARA SA HOLIDAY SEASON
NAGLABAS na ang Department of Health (DOH) ng Department Circular (DC) No. 2020-0355 o ang Reiteration of the Minimum Public Health Standards for COVID-19 Mitigation ngayong Holiday season. Ito ay upang bigyang gabay ang publiko kung paano panatilihin ang minimum public health standards sa panahon ng holidays at masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng […]
-
Fernando, nanguna sa paglaban kontra vote buying sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang paglulunsad ng multi-sectoral anti-vote buying campaign sa Lalawigan ng Bulacan ngayong araw upang makatulong sa pagsugpo ng pamimili ng boto at masiguro ang maayos, mapayapa, patas at inklusibong halalan sa darating na nasyunal at lokal na botohan sa Mayo 9, 2022. Tinawag […]
-
Ayaw makisawsaw sa gulo sa Myanmar
WALANG balak makisawsaw ang gobyerno ng Pilipinas sa nagaganap na kaguluhan sa gobyerno ng Myanmar. Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque, makaraang magkasa ng kudeta ang militar laban kay Myanmar State Council Aung San Suu Kyi at ilan pang matataas na opisyal dahil sa “election fraud” o dayaan sa eleksyon. Ani […]