• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 cases sa Pilipinas halos 641K na: DOH

Patuloy na nakakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mataas na bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

 

 

Ngayong araw ng Huwebes, March 18, pumalo na sa 640,984 ang total cases matapos mag-ulat ang ahensya ng 5,290 na bagong kaso ng sakit.

 

 

Ito na ang ika-14 na araw na nag-ulat ang kagawaran ng higit 2,000 bagong kaso ng COVID-19. Katumbas din nito ang isang linggo na higit 4,000 new cases.

 

 

Ang naturang bilang ng mga bagong kaso rin ang ikalima sa pinakamataas na naitalang numero ng new cases mula nang mag-umpisa ang pandemya sa bansa.

 

 

“8 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on March 17, 2021.”

 

 

Dahil dito sumipa pa sa 66,567 ang bilang ng active cases o mga nagpapagaling virus.

 

 

Mula sa kanila 93.3% ang mild cases, 3.7% asymptomatic o walang nararamdamang sintomas, 1.2% na severe at critical, at 0.64% moderate case.

 

 

Nadagdagan naman ng 439 ang total recoveries na ngayon ay nasa 561,530.

 

 

Samantalang 21 ang nadagdag para sa 12,887 total deaths.

 

 

“4 duplicates were removed from the total case count. Of these, 2 are recoveries. Moreover, 6 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”

Other News
  • PSG tiniyak ang safety ni Duterte

    Para masiguro ang kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Duterte, lilimitahan ng Presidential Security Group (PSG) ang bilang ng mga tao na lalapit sa Pangulo sa mga event na dadaluhan nito sa Malakanyang.     Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, hindi basta-basta makakalapit ang mga tao sa Pangulo at kabilang sa safety measures na ipinapatupad ng […]

  • DOTr: Humihingi ng P164 B pondo para sa proyekto sa railways

    Humihingi ang Department of Transportation (DOTr) sa Mababang Kapulungan ng pamahalaan ng pondong nagkakahalaga ng P164 billion para sa construction at maintenance ng pitong (7) rail lines sa Metro Manila sa taong 2024.       Nakalagay sa 2024 National Expenditure Program ng pamahalaan, ang DOTr ay humihing sa Mababang Kapulungan ng kabuohang budget na […]

  • Gobyerno, hahanap ng paraan para protektahan ang kabuhayan ng tobacco farmers— PBBM

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat na humanap ng paraan ang pamahalaan para protektahan ang kabuhayan ng mga tobacco farmers sa bansa.     Ito’y bunsod na rin ng makabuluhang  tax revenues mula sa tobacco industry.     Ito ang binigyang diin ni Pangulong Marcos sa kanyang naging mensahe sa idinaos na International […]