Pagbaba ng kaso ng COVID-19 aabutin ng 1 buwan – OCTA
- Published on March 26, 2021
- by @peoplesbalita
Aabutin pa ng isang buwan bago makita kung bababa ang kaso ng COVID-19 sa gitna ng paghihigpit sa community quarantine sa Metro Manila at apat na karatig probinsiya.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Team, posibleng makikita ang epekto ng mga “interventions” na ipinatutupad ng pamahalaan sa susunod na dalawa o tatlong linggo pero ang pinakatiyak ay sa loob ng apat na linggo o isang buwan.
Ginawang halimbawa ni David ang ipinatupad na modified enhanced community quarantine noong nakaraang taon kung saan umabot ng isang buwan bago nakita ang epekto.
Idinagdag naman ni Prof. Ranjit Rye na kasama rin sa OCTA Team na kailangan talagang higpitan ng gobyerno ang ipinatutupad na general community quarantine upang magkaroon ng positibong resulta.
Sinabi pa ni Rye na kailangang mag-adjust ang mga mamamayan at tumulong rin ang pribadong sektor at mga may negosyo.
Dapat aniya tiyakin na ligtas ang mga “work place” mula sa COVID-19 at kung maaari ay ipatupad ang work from home. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Pasinaya sa Casa De Polo at paglulunsad ng Coffee Table Book at Cultural Night sa Valenzuela
BILANG bahagi ng pagwawakas ng selebrasyon ng ika-400 founding anniversary, pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang Casa de Polo sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian, kasama ang panauhing pandangal na si first lady Louise Araneta-Marcos. Kasunod nito, ang paglulunsad ng coffee table book ng lungsod na nagha-highlight sa kasaysayan at pag-unlad ng […]
-
Sasali pa rin kahit gumaganda na ang showbiz career: HERLENE, patuloy na isusulong ang pagta-Tagalog sa mga pageants
SOLID DongYan fan ang sikat na vlogger na si Zeinab Harake kaya naman hindi kataka-taka na napaiyak siya noong makita at makaharap niya ng personal sa isang event ang magandang misis ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera. Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ay ikinuwento ni Zeinab na lahat […]
-
Batas na naglalayong pagkalooban ng Filipino citizenship ang Spanish football player na si Bienvenido Marañon, nilagdaan ni PDU30
NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isang batas na naglalayong pagkalooban ng Filipino citizenship ang Spanish football player na si Bienvenido Marañon. Tinintahan ng Pangulo nitong Hulyo 2 ang Republic Act 11570 na nagre-require kay Marañon na mag- Oath of Allegiance to the Philippine Republic sa harap ng lehitimong authorized officer. Ang […]