Paras at Nabong kinuha ng Blackwater
- Published on March 26, 2021
- by @peoplesbalita
Nakuha ng Blackwater sina Andre Paras at Kelly Nabong bilang bagong player sa pagsisimula ng bagong season ng PBA.
Ayon kay Blackwater team owner Dioceldo Sy na pumirma ng dalawang taon na kontrata si Paras sa halagang P3-milyon sa koponan.
Nakita ni Sy ang talento ni Paras sa basketball at umaasa naman silang madadala niya sa kampeonato ang nasabing koponan.
Matapos naman na pakawalan ng NorthPort ang 32-anyos na si Kelly Nabong ay pumayag ito ng six-month contract sa Blackwater.
Magsisimula ang nasabing pagpirma ng 9-years veteran na sa buwan ng Abril.
Kasama ng dalawa na bubuo sa koponan ay ang second round picks na si Joshua Torralba at Rey Mark Acuno.
Mayroong 2-year deal na nagkakahalaga ng P120,000 kada buwan sa unang taon at P150,000 naman sa ikatlong taon habang si Acuno ay mayroong 1 taon na kontrata na pinirmahan na mayroong P100,000 sahod kada buwan.
-
Duterte sa publiko: Manatiling kalmado, alerto vs COVID-19 threat
TODO panawagan at paalala si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na mag-doble ingat at maging alerto kaugnay pa rin sa nagpapatuloy na outbreak ng Coronavirus Disease o COVID-19. Sa kanyang recorded video message kahapon (Huwebes), sinabi ni Pangulong Duterte sa taumbayan na manatiling kalmado sa gitna ng pagkalat ng sakit at magtiwala lamang sa […]
-
‘Di na gagamitin ang ‘Wowowin’ sa pagbabalik-TV: WILLIE, nangako na handang magbigay ng tulong sa TV5
KUMPIRMADO na rin ang pagbabalik telebisyon at pumirma na ng kontrata si Willie Revillame sa Kapatid Network at Media Quest Ventures para sa bagong partnership. Ginanap ang naturang pagpirma ni Willie last noong April 26 kung saan present ang mga bosing ng TV5 kasama sina presidente ng Media Quest Holdings and Cignal TV na si […]
-
Utang ng Pinas ‘manageable’ pa – DOF
NANATILI umanong “manageable” ang foreign borrowings ng bansa sa kabila ng record-high debts ng Pilipinas sa gitna ng mahabang laban kontra COVID-19. Sa economic bulletin na inilabas ni Department of Finance (DOF) chief economist undersecretary Gil Beltran, sinabi nito na bagamat tumaas ang external debt stock ng bansa sa 8.1 percent sa $106.4 […]