Oportunidad na mabakunahan, ‘wag sayangin’- Bong Go
- Published on May 22, 2021
- by @peoplesbalita
Ipinaalala ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga natukoy nang sektor na kabilang sa A1 hanggang A3 vaccine priority categories na magpabakuna sa lalong madaling panahon kung kinakailangan at huwag sayangin ang nasabing oportunidad upang matulungan ang bansa na maabot ang herd immunity at mapalakas ang vaccine rollout.
Sinabi ni Go na kapag nabakunahan na ang lahat ng vulnerable sa COVID-19, partikular ang frontliners, senior citizens at may mga comorbidities, uusad na ang gobyerno sa pagbabakuna naman sa iba pang essential sectors at indigents sa vaccine rollout.
Ayon sa senador, ang pagbabakuna sa priority sectors ay makatutulong para mapalakas ang tiwala ng publiko at maialis ang takot o pangamba ng general population sa kaligtasan at efficacy ng vaccines.
“Sa mga Local Chief Executives, since pinayagan na pong bakunahan sila, ako po ay nananawagan po sa inyo na magpabakuna na rin po kayo para po maging halimbawa at sundin po kayo ng ating mga kababayan na huwag pong katakutan ang bakuna,” iginiit ni Go.
Bukod sa LCEs, iginiit din ni Go sa frontline workers na magpabakuna laban sa COVID-19 para masigurong protektado na sila laban sa virus.
Muli ring tiniyak ng mambabatas na prayoridad niya ang Bayanihan 3 o kung ano ang makatutulong sa ating mga kababayan na ayuda.
-
PBBM, muling inimbitahan na bumisita sa France
MULING inimbitahan ni French President Emmanuel Macron si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magsimula ng kanyang state visit sa France. Ang imbitasyon ni Marcos ay ipinaabot ni newly-designated French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel nang mag-prisenta ang huli ng kanyang credentials kay Pangulong Marcos sa isang seremonya sa Reception Hall ng […]
-
2nd day ni PBBM sa Indonesia, ‘very productive’- Sec. Cruz-Angeles
“VERY PRODUCTIVE” ang pangalawang araw ng state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Indonesia. Sa press briefing sa Harris Suites sa Jakarta, sinabi ni Press Secretary Trixie-Cruz Angeles na maraming na-accomplished ang Pangulo sa isang buong araw. “It was very productive, extremely so because the President did not expect that […]
-
Dagdag sa DA budget, subsidies, pagagaanin ang impact ng inflation
NAGPAHAYAG ng kumpiyansa ang isang mataas na lider ng Kamara na ang halos 40% increase sa badyet ng Department of Agriculture (DA) sa susunod na taon at ang patuloy na subsidiya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa bulnerableng sector, ay makakatulong para maisaayos at mapagaan ang impact ng mataas na inflation […]