• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Restrictions’ sa COVID situation sa NCR, ‘di pa puwede luwagan

Bumubuti na ang sitwasyon ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR).

 

 

Ito ay ayon sa OCTA Research Group kung saan mula sa high risk area ay ibinaba na rin ito sa moderate risk area para sa COVID-19.

 

 

Ayon kay Professor Guido David ng OCTA Research Group, ang seven-day average ng Metro Manila para sa mga bagong COVID-19 cases kada araw ay bumaba na sa humigit-kumulang 1,100 na mayroong positivity rate na 10%.

 

 

Ang reproduction rate naman ay nasa 0.57 na kaya pasok na ang NCR sa moderate risk category.

 

 

Pero sa kabila nito, nilinaw ni David na hindi nila inirerekomenda sa pamahalaan na luwagan na ang mga restriction.

 

 

Sa ngayon, nasa ilalim pa ng general community quarantine (GCQ) na mayroong “heightened” restrictions hanggang sa katapusan ng buwan ng Mayo.

 

 

Sa oras kasi na luwagan pa lalo ang restrictions, maaaring aniyang mabaligtad ang trend na mayroon sa kasalukuyan sa NCR at posibleng maging banta pa sa pandemic management.

 

 

Kahit pasok na sa moderate risk area ang Metro Manila sa kasalukuyan, sinabi ni David na dapat ay matuloy pa rin ang pagbakuna sa 50% ng NCR, sa Lungsod ng Tuguegarao, Santiago, Baguio pati na rin ang Cainta, Cebu at Imus.

 

 

Ang mga local government units na ito ay “under threat” na rin kasi aniya nang surge ng COVID-19 cases. (Daris Jose)

Other News
  • Panukalang Mandatory Immunization Program, pasado sa ikalawang pagbasa

    Inaprubahan sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 8558 o ang “Mandatory Immunization Program Act,” na pangunahing iniakda nina Deputy Speaker Strike Revilla at Committee on Health Chairperson Rep. Angelina Tan.     Layon ng panukala na ipawalang bisa ang Republic Act 10152 o ang “Mandatory Infants and Children Health Immunization […]

  • Go inihain ang programang Philippine National Games

    INILATAG ni Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang Senate Bill No. 2001 o Philippine National Games Act sa layuning magtuluy-tuloy ang programa para sa sports.     “In continue my advocacy to promote sports in the country with this bill that, I know, will further the development of our sports programs and eventually shape more […]

  • Tila may patama rin sa isang presidentiable: VICE GANDA, trending dahil sa ‘pink outfit’ na ikinatuwa ng ‘Kakampinks’

    NAGTI-TRENDING ang Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda sa Twitter noong April 18, isang araw pagkatapos ng controversial press conference sa Manila Peninsula nina Isko Moreno at Ping Lacson.     Trending si Vice dahil kahit na hindi nagsasalita and unlike other celebrities na out and vocal sa kung sinong kandidato ang sinusuportahan nila […]