3 MANGINGISDA, NASAGIP NG COAST GUARD
- Published on June 4, 2021
- by @peoplesbalita
NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anim na mangingisda sa kasagsagan ng bagyong Dante sa Northern Cebu.
Ayon sa PCG-Tudela Station, naputol ang propeller ng motorbanca na sinasakyan ng mga pumalaot na mangingisda kasabay ng malakas na pag-ulan.
Dahil dito, nagpalutang-lutang ang kanilang motorbanca hanggang mapadpad sa Fr. Joseph Weirtz Bayview Park matapos silang tangayin ng malakas na agos.
Nagkataon naman na nasa likod lamang ng PCG-Tudela substation ang nasabing parke kaya agad silang nasaklolohan.
Nakilala ang mga mangingisda na kinabibilangan nina Arturo Nipaya, 46, kapitan ng motorbanca; Jenny Agbay, 18; Ardie Dumdom, 29; Jay Michael Agbay, 26; Nestor Marcado, 26; at Petronilo de Gracia, 25, na pawang residente ng Barangay Baliwagan, Balamban, Cebu. (GENE ADSUARA)
-
PBBM sinabing tuluyan ng nakabangon ang Pilipinas mula sa pandemic
IPINAGMALAKI na inulat ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na tuluyan ng nakabangon ang Pilipinas mula sa epekto ng Covid 19 pandemic at maging sa epekto ng Russia-Ukraine war at tensiyon sa Middle East. Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa pagharap nito sa mga miyembro ng diplomatic corps sa isinagawang taunang “Vin D Honneur” […]
-
Julia, mukhang sineryoso ang sinabi ni Kim kahit katuwaan lang
SAGOT kay Kim Chiu nga ba ang recent Instagram post ni Julia Barretto? Yun talaga ang pumasok sa isipan namin nang mabasa namin ang caption pa lang niya. At nang mabasa nga namin ang mga comments ng netizen, pareho rin ang naging impression. Ang caption kasi ni Julia, “Out here minding my […]
-
OVP budget para sa 2021, pinadadagdagan ng mga kongresista
Isinusulong ng ilang mambabatas sa Kamara na taasan o dagdagan pa ang pondo ng Office of the Vice President (OVP) para sa susunod na taon. Mula kasi sa P723.39-million na ipinanukala ng OVP, tanging P679.74-million lang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM). Kabilang daw sa tinapyas sa pondo ay ang nakalaan […]