Salamat sa P128-B pondo para sa PNP Revitalization & Capability Enhancement Program
- Published on June 8, 2021
- by @peoplesbalita
Lubos na nagpasalamat si PNP (Philippine National Police) Chief Gen. Guillermo Eleazar sa pagtiyak ng mga mambabatas na maipasa ang P128-B Revitalization and Capability Enhancement Program.
Ito ang inihayag ni Eleazar sa kaniyang pagdalo sa pagdinig sa Committee on Public Order and Safety ng Kongreso kung saan inaprubahan ang Revitalization and Capability Enhancement Program (RCEP) ng PNP.
Ipapatupad ang RCEP sa loob ng 10 taon na sisimulan sa 2022.
Nabatid na sinuportahan din ng Senado ang paglalaan ng P20 bilyong pondo kada taon sa mga proyekto ng PNP para sa taong 2022 at 2023.
Kakailanganin aniya ng average na P11 bilyong pondo sa susunod na walong taon para ma-modernize ang PNP. Kabilang dito ang konstruksiyon o ang pagpapatayo ng 400 police stations na kasalukuyan ay nakapuwesto sa mga lupang hindi naman pag aari ng PNP.
Sakop din ng proyekto ang improvement sa mga crime laboratories, training institution sa mga probinsya, training institution, barracks facility at mga ospital.
Kasama rin sa programa ang mga baril at assault rifle na ipapamahagi sa mga pulis, gayundin ang apat pang helicopters at apat na fixed wings para sa PNP Air Group. (Daris Jose)
-
Validity ng student permits, driver’s licenses pinalawig ng LTO hanggang Marso 31
Pinalawig pa ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng student permits, pati na rin ang lisensya ng mga drivers at konduktor, hanggang Marso 31. Ang extension na ito ay valid para sa mga indibidwal na may edad na 17 hanggang 20-anyos, pati na rin sa mga 60 pataas. Ang student permit at […]
-
1 ARESTADO NG NBI SA PAGBEBENTA NG ENDANGERED WOOD SPECIES
ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) ang isang lalaki na naaktuhan na nagbebenta ng endagered wood species na “Agarwood”,isang uri ng kahoy ,ginagamit sa paggawa ng mamahaling pabango,kamakalawa sa may North Fairview,Quezon City. Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ,nakumpiska ang may 6.46 kilos na […]
-
2 lalaki kulong sa dalang P346-K shabu
NABUKING ang dalang higit P346,000 halaga ng shabu ng dalawang drug suspects makaraang masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa curfew at hindi pagsuot ng face mask sa Malabon city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon Police Chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Henison Tanghal alyas Entong, 42, at […]