• March 30, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, binalaan ang NPA

“What you can do, I can do better 10 times over. Ang kaya n’yo, kayo kong gawin”

 

Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa New People’s Army (NPA) makaraang muling umatake ang rebeldeng grupo sa bayan ng Buenavista sa Quezon Province nitong nakaraang Sabado.

 

“They do not have ideology. Wala na silang prinsipyo, sa ulo nila makipag-away. They are there to plunder and just for the sheer brutality of it all, they want to kill all soldiers,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

 

Giit nito, walang usapang pangkapayapaan ang magtatagumpay sa ilalim ng kanyang liderato o sa kahit na kaninumang Pangulo ng bansa kung hindi titigil ang NPA sa pag-atake sa puwersa ng pamahalaan at civilian leaders.”

 

“You are insensitive of the plight of the people na kailangan ng pagkain at tulong ng gobyerno ,” ani Pangulong Duterte.

 

Sinabi ng Pangulo na hindi nagkulang ang pamahalaan sa pagtulong sa publiko sa panahon ng COVID-19 pandemic.

 

Sa katunayan aniya ay bilyong piso na ang nagagastos ng pamahalaan para sa pagbibigay ayuda at sa iba pang bagay para matugunan ang pandemiya na dala ng covid 19.

 

Kaya sinabi niya sa pamilya ng napaslang na sundalo na “The nation is very grateful to you, and we would know also how to reciprocate their bravery… Justice will be served sa kanila in the end.”

 

Sa ulat, isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) ang napaty habang isa naman ang sugatan sa naging pag-atake ng pinaghihinalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) rebels sa Buenavista town sa Quezon province.

 

Kinilala ni Police Staff Sergeant Leobert Velasquez ng Buenavista police, ng napatay na government militiaman na si Romar Gono habang si Armel Bajamunde naman ang nagtamo ng tamang bala subalit nayon ay nasa stable condition na.

 

Sa impormasyong ibinahagi ni Velasquez, isang Sergeant Victor Bartocillo mula sa Army’s 85th Infantry Battalion ang nagtamo ng “minor scratches” sa nangyaring bakbakan.

 

Ang mga sundalo at Cafgu personnel ay nagbigay ng security sa local police matapos magsagawa ng “barangayanihan”, isang uri ng community pantry, sa Barangay Del Rosario nang sila ay salakayin ng NPA rebels sa village ng Batabat Sur dakong alas-11:40 a.m, araw ng Sabado.

 

At nang babalik na ang government forces sa police station sa town center para sa debriefing at lunch break nang biglang umatake ang NPA.

 

Kaalukuyan pa ring nagsasagawa ng hot pursuit operation laban sa mga umatakeng NPA. (Daris Jose)

Other News
  • 2,536 frontliners, inayudahan ng Makati government

    Makakatanggap ng pamaskong groceries at wellness kits ang nasa  2,536 medical frontliners ng Ma-kati Health Department, Ospital ng Makati, at Incident Command Post (ICP).   Laman ng bawat wellness kit ang grocery items, isang juice box na may kasamang reusable tumbler, isang dosenang donuts at food voucher na nagkakahalaga ng 500 pesos.   Sinabi ni […]

  • Duque, DOH officials pinaiimbestigahan ng Ombudsman

    Pinaiimbestigahan ng Office of the Ombudsman sina Health Sec. Francisco Duque III at iba pang opisyal at empleyado ng Department of Health (DOH) na may kaugnayan sa naging hakbang ng kagawaran sa laban kontra COVID-19 pandemic.   Sinabi ni Ombudsman Samuel Martirez na ipinag-utos niya ang pagbuo ng dalawang investigating teams na tututok sa umano’y […]

  • DOLE, tiniyak na tutulungan ang mga repatriated OFWs na nais na muling magtrabaho sa ibang bansa

    HANDA ang gobyerno na tulungan ang 250,000 na Overseas Filipino Workers (OFWs) na muling makapagtrabaho sa ibang bansa matapos umuwi ng Pilipinas makaraang maapektuhan ng Covid – 19 ang kanilang trabaho.   Sinabi ni Labor Sec. Silvestre bello III, bukas ang kanilang tanggapan na tulungan ang sinumang repateiated OFWs na nais na muling makapaghanapbuhay sa […]