• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Federer umatras na sa paglalaro sa Tokyo Olympics

Nagpasya si Swiss tennis star Roger Federer na huwag ng maglaro sa Tokyo Olympics.

 

 

Sa kaniyang social media inanunsiyo ng 39-anyos na tennis player ang hindi na pagsali sa Olympics dahil sa kaniyang injury sa tuhod.

 

Lumala kasi ang kaniyang injury sa katatapos lamang na Wimbledon.

 

Labis itong nadismaya at nanghihinayang dahil isang karangalan aniya at karagdagang exposure sa kaniyang career ang maglaro sa Olympics.

 

 

Hindi na nakapaglaro ito noong 2016 Rio Olympics sa Brazil dahil rin sa injury sa tuhod.

 

 

Magugunitang nakakuha ng gold medal si Federer sa doubles event noong 2008 Beijing Games at silver medal naman sa singles event sa 2012 London Games.

 

 

Una na ring umatras sa paglalaro sa Olympics sina Serena Williams, Rafael Nadal at Nick Kyrgios na magsisimula sa Hulyo 23.

Other News
  • Pdu30, maayos ang kalusugan; regular ang swab test

    TINIYAK ng Malakanyang na maayos ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos na muling nagpositibo sa Covid-19 si Interior Secretary Eduardo Año. Nakasama kasi ng Pangulo ang Kalihim sa isang pulong sa Davao City noong Agosto 10. “Okay po ang Pangulo. Regular po ang kanyang swab test kasi mas maraming swab test masakit ang […]

  • Nahahawig sa pinagdaanan ni Ysabel: MIGUEL, ‘di makalilimutan ang death scene ni CARLA sa ‘Voltes V: Legacy’

    MAGTATAPOS na ang ‘Voltes V: Legacy’ sa September 8.   Apat na buwang umere sa GMA ang naturang live action sci-fi series na naging consistent top-rater gabi-gabi, Lunes hanggang Biyernes.   Bida rito ang limang bumubuo sa Voltes team; sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Radson Flores bilang Mark Gordon, […]

  • Pinuno ng National Academy of Sports, itinalaga

    HINIRANG bilang pinuno nang itinatayong Na- tional Academy of Sports (NAS) si grassroots sports program specialist at Philippine Sports Commission’s (PSC) Sports Physiology Unit head Prof. Josephine Joy Reyes.   Si Reyes, naging bahagi sa pagbuo ng Sports Mapping Ac- tion Research talent Identification (SMARTID) at nagsisilbi ng ha- los 27 years sa Medical Scientific […]