• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, nagpaabot ng pakikiramay sa gobyerno ng Haiti

NAGPAABOT ng kanyang pakikidalamhati si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa gobyerno at mga mamamayan ng Haiti matapos yanigin nang malakas na lindol na tumama sa nasabing bansa.

 

“On behalf of the Filipino nation, President Rodrigo Roa Duterte extends his sincere condolences to the government and to the people of Haiti for the tragedy and devastation caused by the strong earthquake that struck Haiti,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Wala namang Filipino ang naapektuhan ng lindol sa Haiti batay sa ulat ng Department of Foreign Affars (DFA).

 

Ang sentro ng lindol ay hindi sa Port-au-Prince, kapitolyo ng Haiti kundi sa lugar kung saan naroon ang marami sa mga Filipino.

 

Sa ulat, umakyat na sa 1,297 ang bilang ng nasawi kasunod ng magnitude 7.2 na lindol sa Haiti.

 

Naitala ang lindol sa layong 160 kilometers sa kanlurang bahagi ng capital na Port-au-Prince.

 

Tinataya namang aabot sa 13,600 na gusali ang napinsala kung saan higit 5,700 na katao ang nasaktan mula sa trahedya.

 

Nagpaabot na ng tulong ang Cuba, Ecuador, Chile, Argentina, Peru, Venezuela at United Nations.

Other News
  • Ayuda imbes na fare hike sa PUVs, isinusulong ng LTFRB

    Binabalangkas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga programang magbibigay tulong, suporta at ayuda sa mga driver at operator ng mga pampasaherong sasakyan sa bansa.     Tugon ito ng ahensiya sa petisyon ng transport group na magtaas ng P3 sa minimum na pasahe sa passenger jeepney  dulot nang serye ng […]

  • Mag-live-in partner tiklo sa P374K shabu sa Valenzuela

    SHOOT sa kulungan ang isang mag-live-in partner matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Biyernes ng umaga.     Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek na sina Jefferson Borbe alyas “Asyong”, […]

  • Wala akong balak maging Presidente – Pacquiao

    Ibinida ni eight division world champion Sen. Manny Pacquiao na interesado itong makasagupa si WBO welterweight champion Terence Crawford.   Isiniwalat nito na nakausap na niya si Top Rank Big Boss Bob Arum tungkol sa possible nilang salpukan.   Subalit, isang bagay lang umano ang humaharang sa laban ng dalawa at ito ay ang problema sa coronavirus matapos sabihin ng Pambansang Kamao na […]