• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MECQ puwede na sa NCR

Kung ang medical adviser ng National Task Force against COVID-19 ang masusunod, puwede ng ibaba sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region na ngayon ay nasa pinakamahigpit na ECQ.

 

 

“Kung opinion ko lang ang masusunod, kung ako ang namumuno sa IATF, bababa ako sa MECQ at paiigtingin ko iyong mga Mayor, iyong mga LGU, iyong loca­lized lockdown, testing at saka tracing doon sa mga lugar na ano. Para hindi lahat napapahamak iyong area na may clustering or pagdami masugpo kaagad, parang nagpapatay ka ng sunog sa iba’t ibang parte ng Metro Manila,” pahayag ni Dr. Ted Herbosa.

 

 

Sa ngayon aniya ay dalawa lamang ang pagpipilian ng Inter-Agency Task Force at ng technical advisory group, ang ipagpatuloy ang ECQ sa susunod pang dalawang linggo o ibaba sa modified ECQ.

 

 

Aminado si Herbosa na kailangan talagang balansehin ang kalusugan at ang ekonomiya dahil kung isyu ng medikal lang ang ikokonsidera, mas mabuting ituloy ang ECQ para bumababa pa ang transmission. Pero marami naman aniyang mawawalan ng trabaho at magugutom.

 

 

Kung ipatutupad aniya ang MECQ pagkatapos ng Agosto 20 ay dapat ipatupad ng mga local chief executive ang localized ECQ sa mga lugar na may outbreak o “clustering” ng kaso ng COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • Hinaing ng sportsman, businessman ng Rizal (Huling bahagi)

    ISANG taon nang nakakulong si Andrew Joshua delos Reyes sa San Mateo Municipal Jail sa San Mateo, Rizal.   Ito’y makalipas siyang damputin ng mga pulis na nag-raid sa isang computer shop sa kalapit na village sa lugar na malapit din sa bahay ng kabigan niya.   Hindi nadakip ang may ari ng bahay kaya […]

  • National athletes komportable sa ‘Calambubble’

    Komportable at walang anumang problema ang mga national teams ng boxing, taekwondo at karatedo sa loob ng ‘bubble’ sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.     Dalawang linggo matapos pumasok sa ‘bubble’ training ay nasasanay na ang mga national boxers, taek­wondo jins at karatekas sa kanilang bagong kapaligiran.     “It’s great here po,” […]

  • Malakanyang, pinamamadali sa NTC ang pagsusumite ng evaluation report

    IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa National Telecommunications Commission (NTC) ang mabilisang pagsusumite ng evaluation report ukol sa mga ginagawa umanong pagsasaayos at pagpapalakas ng signal ng mga network company sa bansa.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring nakaantabay ang kanyang opisina sa official evaluation na ito mula sa […]