• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EJ Obiena nag-2nd place sa pole vault tourney sa Poland

Pumuwesto sa second place sa pole vault ang Pinoy Olympian na si EJ Obiena sa ginanap na Kamila Skolimowska Memorial 2021 sa bansang Poland.

 

 

Ito ay makaraang malagpasan at matalon ni Obiena ang taas na 5.80 meters.

 

 

Sumabak si Obiena sa naturang kompetisyon ilang araw bago naman ganapin ang Wanda Diamond League Final na isasagawa sa Zurich sa Germany.

 

 

Nanguna sa kompetisyon si Christopher Nilsen ng Amerika na nagawang matalon ang 5.86 meters.

 

 

Ang isa pang US athlete na si KC Lightfoot ay napantayan naman ang nagawa ni EJ.

 

 

Umabot din sa 10 mga bigating pole vaulters ang sumali pero ang reigning world at Olympic champion na si Armand Duplantis ng Sweden ay hindi nakibahagi sa kompetisyon.

Other News
  • Ravena, Kouame swak na sa ‘Calambubble’

    PUMASOK na ang 12 basketbolista sa Inspire Sports Academy sa Calamba City, Laguna nitong Linggo, Enero 10 para sa Gilas Pilipinas training pool bubble.   Ang hakbang ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) ay kaugnay sa paghahanda sa national men’s basketball team para sa 30th International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup 2021 third & […]

  • Naabot ang target na P500-M ng MMFF 2022: ‘Deleter’ ni NADINE, top-grosser at patuloy pang umaarangkada

    UMABOT sa P500 milyon ang kabuuang ticket sales ng Metro Manila Film Festival 2022, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Atty. Romando Artes noong Lunes.     “We are delighted to announce that we were able to reach our target gross sales amounting to P500 million considering that we are still recovering from […]

  • ‘Expanded’ travel ban vs 20 bansang may bagong COVID variant, ipatutupad ng PH – Duque

    Inanunsyo ni Health Sec. Francisco Duque III na hindi na papayagang makapasok sa Pilipinas ang mga biyahero na manggagaling sa 20 bansang nakapagtala na ng bagong variant ng COVID-19.   Ayon kay Duque, epektibo ang expanded travel ban simula alas-12:01 ng hatinggabi ng Disyembre 30 at tatagal hanggang Enero 15, 2021.   Ang mga bansang […]