• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Latest vlog ni BEA na kasama si DOMINIC na ‘Not My Hands Challenge’, kinakiligan nang husto ng netizens

PATOK na patok sa netizens ang latest vlog ni Bea Alonzo na pinost niya sa last Saturday na kung saan nakasama niya uli ang kanyang honey pie na si Dominic Roque.

 

 

Caption ni Bea, HELLO SATURDAY!

 

 

“I’m dropping another vlog tonight, with my boo! We played the “NOT MY HANDS CHALLENGE”. Abangan nyo na lang kung nauwi sa away.”

 

 

#BeaAlonzo #ByBea #LifeIsBEAutiful #DominicRoque

 

 

Kilig-to-the-max talaga ang naramdaman ng mga viewers lalo na yun avid fans ng #BeaDom na nagpakumpleto sa kanilang Sabado at nabitin sa almost 18 minutes na vlog.

 

 

Last time we check ng Sunday night, naka-820K plus na ang views nito at may 53K plus na likes, meron din naman 600 plus na nag-dislikes sa ginawang challenge nina Bea at Dom.

 

 

Ilan nga sa naging comments sa youtube channel ni Bea na umabot ng higit sa 5K:

 

“Grabe. Ang sarap niyo panoorin. Navi-vision ko ito na makakatuluyan ni Bea. Madam Rudy is that you? Char!”

 

“Yung ending talaga eh “Life is beautiful” in Dominic Roque’s voice!!! kilig!!”

 

“Di ko ma-explain pero kinilig tlaga ako sa last ng sinabi ni Dom na “Life is Beautiful!”

 

“It was fun watching them two. It takes two to tango talaga. Life becomes more beautiful Dom when shared with people u loved tlga. Great show and I was entertained. Stay safe and healthy.”

 

“Dom is so funny! He seems to be such a perfect boyfriend. Kakainggit!”

 

“Dom is so thoughtful..really cares for Bea. He said to Bea “Hon tindig kana, nanginginig ng tuhod mo.”

 

“Kinilig ako dun sa “patay ka sakin mamaya”. Hayop! Umaapaw sa happiness at kilig itong vlog na to.”

 

“You’re destined for each other. Aside from you look good together, you really look like each other. Sabi nila, kapag magkamukha daw and couple, ibig sabihin destined sila to be together.”

 

“Dominic is so careful in everything he does…. while Bea is making fun of what she does….hmmm.”

 

“Grabeeee. Kilig to the max. I can say that Ms. Bea is at her happiest state . Really happy for the both of you.”

 

“More videos together please? Nakikita sa mga mata nila na genuine talaga yung happiness nila. I’m so happy for the both of you. Proud fan here.”

 

“Not a fan of Dom pero dito parang magiging superfan mo na ko Dom haha Ang simple at natural ng kagwapuhan, it matches Bea’s natural beauty…kilig much here …

 

Bea is playful but this blog is fully overloaded with good vibes and genuine kilig. No awkward moment just pure love. Stay in love, lovebirds, keep up the kilig moments. Looking forward to more videos of you two soon.”

 

“When Dom said “Life is Beautiful while looking and put some berries on Bea’s mouth..Kinilig ako sobra for Bea.”

 

“TALAGANG “IN GOD’S PERFECT TIME” talaga!

 

See kung maghihintay lang talaga tayo darating ang tamang tao sa tamang panahon di ba.”

 

 

***

 

 

MULING sasabak ang award-winning thriller at horror film director na si Yam Laranas sa paggawa ng romance movie.

 

 

Mas kilala si Direk Yam sa kanyang mga award-winning thrillers at horror films gaya ng Sigaw, Aurora at ang latest na Death of a Girlfriend.

 

 

Ang huling nagawang romance movie ni Direk Yam ay ang 2002 blockbuster hit na Ikaw Lamang Hanggang Ngayon na pinagbidahan ni Regine Velasquez at Richard Gomez.

 

 

Ang Paraluman naman ay maituturing na sexy love story ay pinagbibidahan ng isa sa mga most promising stars ng VIVA, si Rhen Escaño, na hinangaan at nag-iwan ng marka sa kanyang pagganap sa pelikulang Adan, The Other Wife at Untrue.

 

 

Makatatambal ni Rhen ang nagbabalik-pelikula na 90s heartthrob at premyadong aktor na si Jao Mapa, na gaganap para sa role nila Mia at Peter.

 

 

Sa movie, si Peter (Jao) ay kalive-in ng barangay worker na si Giselle (Gwen Garci). Makikilala nila si Mia (Rhen) ang nakababatang kapatid ng kanilang kaibigan na galing sa probinsya.

 

 

‘Di magtatagal ay mahuhulog ang loob ni Mia kay Peter na ‘di hamak na napakalaki ng tanda sa kanya, at nakatakda na rin silang ikasal ni Giselle. Kailangang mamili ni Peter kung sino ang mananaig sa kanyang puso.

 

 

Si Mia ba na halos dalawampung taon ang tanda niya at kadarating lang sa buhay niya, o si Giselle na matagal na niyang kasama at walang ibang gusto kung hindi makasama siya habang buhay?

 

 

Ayon sa naging pahayag ni Direk Yam, “This is not your usual romance. There is something deeper.

 

 

At ang malaking age gap nina Mia at Peter na may karelasyon na, ay mas nakadadagdag ng kakaibang thrill at talagang nakaka-excite.

 

 

Ito nga ang unang beses na magkakapareha sa pelikula sina Rhen at Jao, kaya naman kaabang-abang ang kanilang on screen chemistry at ang magiging journey ng character nila bilang Mia at Peter.

 

 

Maraming bago at exciting na aabangan sa Paraluman, na mapapanood na sa September 24, streaming online at VIVAMAX.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • MGA BARANGAY, SK AT IBA PA, HINIHIKAYAT NA LUMAHOK SA KAUNA-UNAHANG QUEZON CITY GREEN AWARDS

    NANANAWAGAN ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa mga barangay, Sanguniang Kabataan, Youth-Based Organization at mga negosyo na lumahok sa kauna-unahang Quezon City Green Awards at ipamalas ang kanilang best practices para sa disaster resiliency and sustainability.     Layunin ng Quezon City Green Awards na kilalanin at bigyan ng insentibo ang grupong may […]

  • PBBM, umaasa na makadadalo sa climate change conference sa Dubai

    UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makadadalo sa 2023 United Nations Climate Change Conference sa Dubai sa Disyembre ngayong taon.     “I hope we will be able to attend because climate change is a primordial issue,” ayon kay Pangulong Marcos.     Si UAE Ambassador Extraordinary at Plenipotentiary Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi […]

  • 100 BSKE candidates, diniskuwalipika ng Comelec

    TINATAYANG  100 kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang diniskuwalipika ng Commission on Elections (BSKE) dahil sa iba’t ibang mga bayolasyon.     Kasabay nito, inihayag din ng Comelec ang pagpapasa ng resolusyon na nagsususpinde sa proklamasyon ng 500 BSKE candidates kung magwawagi sa halalan. Ito ay dahil sa mga nakabinbin nilang kaso […]