• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DTI: Walang paggalaw sa presyo ng bilihin sa mga nasa State of Calamity

SINABI ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na awtomatiko ang price freeze sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa Bagyong Rolly.

 

“Unang-una, the Typhoon Quinta last week, so may mga state of calamity, so automatic price freeze doon sa mga calamity areas—Albay, Batangas, Oriental Mindoro, Marinduque,” saad ni Lopez sa isang panayam ng Dobol B.

 

“Tapos, yesterday, nag-declare na rin ang Cavite, o price freeze na rin tayo diyan,” dagdag nito.

 

Sakop nito ang mga pangunahing bilihin tulad ng mga de latang ulam, instant noodles, kape, at gatas.

 

Ang mahuhuling lumabag ay pagmumultahin ng aabot sa P2 milyon.

 

Dagdag nito na kahit walang tigil-galaw sa presyo ng mga bilihin, maigting na pinatutupad ang suggested retail price sa mga ito. (Ara Romero)

Other News
  • Djokovic pasok na sa ikalawang round ng Dubai Duty Free Tennis Championship

    PASOK  na sa ikalawang round ng Dubai Duty Free Tennis Championships si Serbian tennis star Novak Djokovic.     Tinalo kasi nito si Lorenzo Museti ng Italy sa score na 6-3, 6-3.     Ito ang unang laro ni Djokovic ngayong taon matapos na ito ay ma-deport sa Australia nitong Enero dahil sa hindi pagsiwalat […]

  • GLAIZA, personal na tinanggap ang Best Film award ng TOHORROR Fantastic Film Festival para sa movie na ‘Midnight In A Perfect World’

    KASALUKUYANG pinapasyalan ng engaged couple na sina Glaiza de Castro at David Rainey ang different places sa Italy para sa kanilang pre-nuptial shoots sa nalalapit nilang wedding.        At isa sa napuntahan nila at ipinost ni Glaiza sa Instagram niya ang Como, Italy, the same places kung saan doon nag-shoot ng kanilang first […]

  • Pinatar Cup: Filipinas naghahandang bumawi sa Scotland

    Siniguro ng Philippine womens’ football team ng bansa na Filipinas babawi sila at magtatala ng panalo sa nagpapatuloy na Pinatar Cup sa Spain.   Matatandaang nalasap ng Filipinas ang unang pagkatalo sa kanilang debut game sa Pinatar Cap kontra sa Wales 1-0  noong Huwebes.   Susunod na makakalaban ng Filipinas ang Scotland sa  Sabado.   […]