• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VCO trials nagpakita nang malaking pagbaba ng virus count sa mild COVID-19 cases

Nakitaan ng malaking pagbawasa sa coronavirus count ng mga pasyenteng nakibahagi sa community trials para sa virgin coconut oil (VCO) bilang adjunct treatment sa mild COVID-19 cases.

 

 

Ayon kay Department of Science and Technology Undersecretary (DOST) Rowena Guevarra, sa pag-aaral sa isang pasilidad sa Sta. Rosa, Laguna lumalabas na binawasan ng VCO ng 60 hanggang 90 percent ang virus count sa mild cases ng COVID-19.

 

 

Ang trials na ito ay ginawa rin sa iba pang mga komunidad sa lungsod ng Valenzuela at Mandaluyo.

 

 

Nakita aniya sa mga community trials na ito na umiikli ng nasa limang araw ang paggaling ng mga pasyente na tinamaan ng COVID-19.

 

 

Samantala, pagdating naman sa clinical trials na ginagawa ng Philippine General Hospital para sa mga mild at sever cases, sinabi ni Guevarra na ina-analyze pa ang resulta nito at sa katapusan pa ng Oktubre o pagsapit ng Nobyermbre pa malalaman ng publiko ang resulta ng trial na ito.

Other News
  • Japan naghigpit sa mga atleta na mula sa mga bansang may mataas na kaso ng COVID-19

    Hinigpitan ng Japan ang ilang atleta na manggagaling sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19.     Kinabibilangan ito ng mga atleta na galing sa India, Nepal, Pakistan, Sri Lanka, Maldives at Afghanistan na may naitalang mataas na kaso ng Delta variant.     Nakasaad sa plano na kailangan na mag-swab test ang mga ito […]

  • Apela sa publiko, huwag paniwalaan ang oposisyon

    NIRESBAKAN at muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte ang oposisyon na aniya’y nag-aambisyong makabalik.   Kaya ang panawagan ng Pangulo sa publiko ay huwag paniwalaan ang oposisyon na wala namang ginagawa kundi ang mamulitika.   “The things that you would know, huwag kayong maniwala diyan sa oposisyon. Walang ginawa ‘yan, gusto lang ‘yang bumalik. […]

  • Enrollment para sa SY 2023-2024, nananatiling mababa-DepEd

    NANANATILING mababa ang enrollment para sa kasalukuyang school year.        Base ito sa pinakabagong data mula sa Department of Education (DepEd).       “As of Friday, Sept. 15,”  makikita sa data  mula sa  Learner Information System (LIS) para sa school year 2023-2024 na umabot pa lamang sa 26,895,079  ang  kabuuang  bilang ng registered students […]