• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

League of Provinces umaapela sa IATF na iurong sa Nov. 1 ang pagsisimula ng Alert Level System

Kung ang League of Provinces of the Philippines ang tatanungin, mas gusto nilang ilipat sa Nobyembre 1 ang expansion ng Alert Level System sa labas ng Metro Manila.

Ayon sa kanilang presidente na si Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. kailangan pa ng mga local governments ng sapat na panahon para bumalangkas ng executive orders, pag-aralan ang guidelines para sa enforcement nito, at maipabatid din sa kanilang mga nasasakupan ang tungkol dito.

 

 

Kaya naman ay aapela aniya sila sa IATF para ipagpaliban ang Alert Level System expansion na magsisimula sana ngayong araw, Oktubre 20, hanggang Oktubre 31.

 

 

Mababatid na kahapon lang inanunsyo ng Malacanang ang expansion ng Alert Level System.

 

 

Una itong ipinatupad sa Metro Manila noon pang Setyembre 16 sa ilalim ng pilot test basis.

 

 

Base sa anunsyo ng Malacanang kahapon, ang Negros Oriental at Davao Occidental ay ilalagay sa ilalim ng Alert Level 4.

 

 

Alert Level 3 naman ang nakataas sa Cavite, Laguna, Rizal, Siquijor, Davao City at Davao del Norte.

 

 

Samantala, nasa Alert Level 2 naman ang Batangas, Quezon, Lucena City, Bohol, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu, Davao de Oro, Davao del Sur, at Davao Oriental. (Gene Adsuara)

Other News
  • Ginebra pasok na sa finals ng PBA matapos ilampaso ang NLEX 112-93

    PASOK NA sa finals ng PBA Governor’s Cup ang Barangay Ginebra matapos ilampaso ang NLEX 112-93 sa best of five semifinals.     Bumida sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 47 points.     Ito na ang pang apat na beses na makapasok ang Ginebra sa Governors Cup finals sa huling […]

  • Implementasyon ng 0.75 meter na distancing suspendido

    Pansamantalang sinuspinde ang implementasyon ng 0.75 meter na distancing sa mga pampublikong transportasyon at ibabalik ito sa sa one meter.   Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque matapos itong ianunsyo ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa isinagawang pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).   Nakatakda namang magdesisyon […]

  • Face shields nakakatulong vs COVID-19 transmission – PMA

    Napipigilan ng pagsusuot ng face shields ang pagkalat o hawaan ng COVID-19.     Ito ang pagtiyak ng Philippine Medical Association (PMA) kahapon.     “Para sa amin ay magsuot pa rin ng face masks, face shield, maghugas ng kamay,  at sumunod pa rin ng physical distancing. Malaki ang maitutulong sa proteksyon laban sa COVID-19 […]