• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SEPS Online ng Bulacan, wagi ng Best in LGU Empowerment Award sa DGA 2021

LUNGSOD NG MALOLOS– Iniuwi ng Socio Economic Profile System (SEPS) Online ng Lalawigan ng Bulacan ang Best in LGU Empowerment Award – Best in Interoperability Award (Province Level) sa ginanap na birtwal na Digital Governance Award 2021 sa pamamagitan ng Zoom noong Oktubre 29, 2021.

 

 

 

Tinanggap ni Gobernador Daniel R. Fernando na kinatawan ni Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia Constantino, kasama sina Inh. Rhea Liza Valerio, pinuno ng Provincial Information and Technology Office (PITO) at Officer-In-Charge ng Provincial Planning and Development Office (PPDO) Inh. Randy Po ang parangal mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of the Interior and Local Government (DILG), at National ICT Confederation of the Philippines (NICP).

 

 

 

Ayon kay Constantino, magsisilbing inspirasyon ang parangal para sa patuloy na paglulunsad ng mga solusyon kabilang ang pagbibigay ng mas mabuting serbisyo lalo na sa mga panahon ng pagsubok, at upang maging inklusibo sa lipunan at sa ekonomiya para sa ikabubuti ng mga mamamayan.

 

 

 

“Digital tools and social media have empowered people to widespread access to information and global connection. We, at the Provincial Government of Bulacan, are using technology to be more transparent, accountable and inclusive,” anang Panlalawigang Tagapangasiwa.

 

 

 

Pinasalamatan rin niya ang PITO at PPDO at lahat ng mga kawani nito sa pangunguna para makamit ang isa na namang tagumpay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

 

 

 

Ginawang posible ng SEPS Online para sa parehong pampubliko at pribadong mga institusyon, mananaliksik, mag-aaral, at sa publiko na ma-access ang Socio-Economic Profile ng mga lokalidad ng real time at agaran matapos lamang ang pagsasara ng taon ng SEP sa sistema, kumpara sa luma at kumbensyunal na pamamaraan na karaniwang inaabot ng isang buong taon bago maisapubliko.

 

 

 

Ang DGA ang taunang pagpaparangal sa mga pinakamahusay na kasanayan ng mga lokal na pamahalaan sa paggamit ng information and communications technology (ICT) upang epektibo at episyenteng maiparating ang serbisyo-publiko sa mga mamamayan at mangangalakal.

Other News
  • Higit 1,300, bagong med tech; Taga-UST, topnotcher – PRC

    INANUNSYO na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang 1,307 mula sa 2,619 na nakapasa sa Medical Technologist Licensure Examination.     Ang nasabing pagsusulit ay ibinigay ng Board of Medical Technology na idinaos sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Rosales, San Fernando, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga ngayong January 2022.   […]

  • Fixed salary at iba pang benepisyo para sa opisyal ng barangay

    BILANG  pagkilala na rin sa importansiya ng barangay sa local governance, ipinanukala ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang paglalaan ng fixed salaries at iba pang benepisyo na nakukuha ng mga regular government employees sa mga opisyal ng barangay.     Ayon kay Duterte, ang barangay ang nagsisilbing takbuhan ng publiko para resolbahan ang ilang […]

  • Mga lugar na may mataas na ‘quarantine classification’ mas lalo pang hihigpitan ng PNP

    Mas lalo pang hihigpitan ng PNP ang pagpapatupad ng kanilang seguridad sa lahat ng mga quarantine control points lalo na duon sa mga lugar na may mas mataas na quarantine classification gaya na Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).   Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations (TDCO) at JTF Covid […]