• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LGUs handang maglabas ng ordinansa para sa mandatory vaccination – LPP

Bukas si League of Provinces of the Philippines (LPP) president at Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. sa ideya na maglabas sila ng ordinansa para sa mandatory vaccination kontra COVID-19.

 

 

Nakapaloob aniya sa ilalim ng Local Government Code ang clause hinggil sa general welfare na nagpapahintulot sa mga local government units na magpasa ng mga ordinansa para sa kapakanan ng kanilang mga nasasakupan.

 

 

Inirekomenda ni Health Secretary Francisco Duque III na gamitin ang kapangyarihan na mayroon ang mga LGUs habang wala pang naipapasang batas para sa mandatory vaccination.

 

 

Pero, iginiit ni Velasco na dapat ding ikonsidera ng mga LGUs ang karapatan sa kalusugan, mga paniniwala sa reliheyon, at dapat may informed consent sa pagsusulong sa naturang mungkahi.

 

 

Gayunman, sakaling matuloy man ang paglalabas ng ordinansa para sa mandatory vaccination, sinabi ni Velasco na posibleng magpataw ng mga penalties ang mga LGUs sa sinumang lalabag dito.

 

 

Pinayuhan naman niya ang mga LGUs na maging maingat sa pagpasa ng ordinansa sa naturang usapin dahil maapektuhan aniya nito ang buhay ng napakaraming tao at posible ring makuwestiyon pa sa korte kung sakali.

 

 

Samantala, sinabi rin ni Velasco na mayroong discretion ang mga LGUs kung sila ba ay magbibigay ng cash bonuses sa mga bakunado nang empleyado tulad ng ginagawa sa mga nagtatrabaho sa Cebu City Hall na makakatanggap ng P20,000 bonus sa Pasko kapag fully vaccinated na kontra COVID-19.

Other News
  • Ads November 29, 2023

  • ‘Pacquiao-Crawford megabout posible sa 2021’ – Arum

    Tiwala si Top Rank CEO Bob Arum na mangyayari na sa susunod na taon ang nilulutong bakbakan sa pagitan nina Sen. Manny Pacquiao at American superstar Terence Crawford. http://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2020/11/Crawfordthumb.jpg Ayon kay Arum, nais nilang makipag-usap muli sa kampo ni Pacquiao kasunod ng technical knockout win ng kanyang alagang si Crawford sa naging laban nito kontra […]

  • Mahigit 700 OFWs sa SoKor na labis na naapektuhan ng Covid- 19 pandemic,nakatanggap ng ayuda mula sa AKAP program ng DoLE

    TINATAYANG aabot sa 703 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa South Korea (SoKor) na labis na naapektuhan ng covid19 pandemic ang napagkalooban na ng tulong pinansyal ng pamahalaan sa pamamagitan ng AKAP Program ng Department of Labor and Employment (DOLE). Sa Laging Handa public press briefing ay sinabi ni South Korea Charge D’Affaires Christian De Jesus, […]