• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbabakuna, hindi magagamit sa pulitika lalo’t sa sandaling magsimula na ang pangangampanya-Dizon

HINDI masasamantala ng mga kandidato sa kanilang pangangampanya ang vaccination drive ng pamahalaan.

 

Sinabi ni Presidential Adviser for COVID-19 response Secretary Vince Dizon na hindi sila papayag na mapasukan ng pamumulitika ng sinumang kumakandidato ang vaccination efforts ng pamahalaan.

 

Neutral ang gobyerno at diretso sa taumbayan ang pakinabang ng pagbabakuna at hindi sa kaninomang tumatakbo na mga pulitiko.

 

“Neutral po ito at diretso tayo sa taumbayan at hinihikayat natin ang lahat na talagang magpabakuna na kasi ito lang talaga ang proteksiyon natin laban sa COVID-19 lalung-lalo na, matakot  tayo dito sa Omicron variant na kumakalat na sa buong mundo,” aniya pa rin.

 

Tiniyak nito na magiging tuluy- tuloy at walang hinto ang vaccination initiatives ng gobyerno na kahit panahon ng kampanya at mismong eleksiyon ay hindi titigil ang pamahalaan sa pagbabakuna.

 

“Hindi tayo puwedeng huminto sa ating pagbabakuna ‘no. Tuluy-tuloy iyan kahit nasa kampanya, kahit sa eleksiyon tuluy-tuloy  tayo at sisiguraduhin natin na hindi magagamit ang pagbabakuna sa pamumulitika,” anito.

 

Kaugnay nito, sinabi kamakailan ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na nasa 90 milyon ang tinatarget ng pamahalaan na mabakunahan ng Administrasyon bago ang pagbaba nito sa June 2022. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • DOLE: Libreng bike sa ‘economic frontliners’ na magpapabakuna

    Magbibigay ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng libreng bisikleta sa mga ‘economic frontliners’ o kabilang sa A4 category na makakakumpleto ng dalawang dose ng bakuna kontra COVID-19 umpisa sa buwan ng Hulyo.     Inisyal na maglalabas ng 2,000 bisikleta ang DOLE-Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) sa ilalim ng programang “BakSikleta”. […]

  • Esteban todo pakondisyon

    ALAGA ng miyembro ng PH 2019 Southeast Asian Games women’s team foil bronze medalist na si Maxine Isabel Esteban ang pangangatawan at kalusugan kahit isang taon nang tengga sa mga kompetisyon dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).     Sa social media post nitong isang araw lang, todo ehersisyo ang 19-anyos na dalagang seksi at […]

  • Pinakahihintay na wedding day ni KRIS, magaganap na ngayong Sabado at wala nang urungan

    SA Sabado, September 25 na ang pinakahihintay na araw ni Kris Bernal, ang kanyang wedding day.     So this time, mukhang wala nang urungan at wala na rin pagka-delay.     Laman ng Instagram ni Kris ang mga ginagawang preparation for her wedding at very obvious ang excitement niya.  Ni-reveal na rin niya ang designer […]