NDRRMC naghahanda na para sa Bagyong Siony
- Published on November 7, 2020
- by @peoplesbalita
NAGHAHANDA na ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda sa Bagyong Siony sa kabila ng nagpapatuloy na disaster response sa Bagyong Rolly.
Kahapon pinulong ng council ang mga Regional DRRMCs para talakayin ang on-going preparation sa Severe Tropical Storm “Siony.”
Base sa latest weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), as of 4:00 AM ngayong araw ang sentro ni Siony ay namataan 595 km East sa Basco, Batanes na may maximum sustained winds na 95 km/ h at may gustiness na 115 km/h.
Inaasahang maging typhoon si Siony na may peak intensity of 120 km/h bukas ng umaga November 6, 2020 habang binabaybay nito ang Batanes-Babuyan Islands area.
Kabilang sa tinalakay sa pulong kahapon ay ang pagpapatupad ng pre-emptive evacuation sa mga lugar na highly susceptibility sa storm surge, floods at landslides; dissemination of warnings sa mga lugar na maaapektuhan; prepositioning of food, non-food items at mga gamot sa ibat ibang strategic locations, activation ng medical teams mula sa DOH para sa posibleng deployment.
Naglabas din ang NDRRMC ng direktiba sa mga RDRRMC member agencies at LDRRMCs para itigil muna ang mining activities, tourism activities, at quarrying.
Iniulat naman ng Cordillera RDRRMC, na nagsagawa na sila ng pre-emptive evacuation sa mga flood and landslide prone areas sa Probinsiya ng Apayao, Kalinga, at Benguet.
Samantala, nagpulong din kahapon sa NDRRMC na pinangunahan ni DSWD Asec Encabo.
Dumalo din sa nasabing pulong ang UN Humanitarian Country Team kung saan pinag-usapan ang paghahanda sa pagsasagawa ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) mission sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng Supertyphoon Rolly.
-
Darkness unfolds in the latest Blumhouse thriller, “Speak No Evil”
PRODUCER Jason Blum got a call from an executive who saw a thriller that got under his skin, and was eager to see this film. The movie was the 2022 Danish film, Gaesterne, and the screenplay went on to be the inspiration for the latest Blumhouse thriller Speak No Evil. “I’m always glad to be […]
-
FACE SHIELD HINDI NA GAGAMITIN SA KAMPANYA AT ELECTION DAY
HINDI na kailangan na gumamit ng face shields sa panahon ng kampanya at election day sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 1 hanggang 3 ayon sa New Normal Manual ng Commission on Elections (Comelec). Pinaalalahanan din ng poll body nitong Lunes ang publiko na mahigpit na sundin ang mga karaniwang protocol […]
-
Pang-5 housing project sa Maynila, sinimulan na
Inumpisahan na ang konstruksyon ng ikalimang housing condominium project sa San Andres Bukid, Maynila na layong mabigyan ng permanenteng bahay ang mga ‘informal settlers’ at nangungupahan sa lungsod. Sa kabila na bagong galing pa lamang sa COVID-19, sabak agad sa trabaho si Manila City Mayor Isko Moreno sa pangunguna sa ‘groundbreaking ceremony’ ng […]