• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkilala sa mga pangunahing produkto ng Catanduanes, Davao City at San Jose, Batangas, aprubado

INAPRUBAHAN kahapon ng House Committee on Agriculture and Food na pinangunahan ni Vice Chairman at Negros Occidental Rep. Francisco Benitez ang House Bills 6149, 7460 at 7660 na maggagawad ng pagkilala sa mga mahahalagang produkto ng Catanduanes, Davao City at San Jose, Batangas.

 

Ang HB 6149 na inihain ni TGP Party-list Rep. Jose Teves Jr. ay kinikilala ang Catanduanes bilang “Abaca Capital of the Philippines” dahil sa pagiging pinakamalaking pinanggagalingan ng abaca na bihira lamang na makukuha sa bansa, at nagsu-suplay ng mataas na kalidad ng natural na hibla sa buong mundo.

 

Sinabi ni Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) Executive Director Dr. Liza Battad PhD na ang panukala ay magbibigay ng suporta at pagtuon sa pagsisikap ng Department of Agriculture (DA), lalo na ang Phlippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA), sa paglalagay ng istratehiyang plano upang paunlarin at suportahan ang mga nasa larangan ng industriya ng abaca.

 

Inaprubahan din ng komite ang HB 7460 na iniakda ni Abono Party-list Rep. at Deputy Speaker Conrado Estrella III na nagdedeklara sa Lungsod ng Davao bilang Chocolate and Cacao Production Capital of the Philippines.

 

Ang Davao Cacao ay kinikilala bilang isa sa pinakamahusay sa buong mundo at ang mga lokal na uri nito ay nakikipagpaligsahan sa mga pandaigdigang kompetisyon, bukod pa sa maraming lokal at pandaigdigang tagagawa ng tsokolate ay binibili ang kanilang mga buto sa Davao.

 

Aprubado din sa komite ang HB 7660 o ang panukalang “Egg Basket Act” na inihain ni Batangas Rep. Lianda Bolilia na nagsabing ang San Jose, Batangas ay nakakapag-suplay ng 705 metriko tonelada ng itlog ng manok kada araw na dahilan upang maging pinakanangungunang bayan sa bansa sa produksyon ng itlog ng manok. (Ara Romero)

Other News
  • VIN at SOPHIE, in-announce na engaged at magkaka-anak na

    PAGKATAPOS ng eight years bilang couple, inihayag na nina Vin Abrenica at Sophie Albert, na engaged na sila to be married.      Two months ago nang mag-propose si Vin kay Sophie, at last Saturday, February 13, nag-announce sila pareho sa kani-kanilang Instagram account, na engaged na sila, kasama ang kanilang prenup photos.     […]

  • Ads October 8, 2022

  • OPISYAL NG COAST GUARD PATAY SA COVID

    NAGLULUKSA ngayon ang buong pamunuan ng Philippine Coast Guard PCG) sa pagpanaw ng isang opisyal nito dahil sa COVID-19.     Nagpaabot naman ng pakikiramay ang PCG sa pangunguna ni  PCG Commandant, CG Admiral George V Ursabia Jr sa naulilang pamilya ni CG Admiral Reuben S.Lista     Ayon kay Ursabia, ang kanyang liderato sa  […]