• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KYLIE, tinawag na ‘Queen’ sa teaser ng kanyang pagbabalik-primetime at makakatambal si RAYVER

WE are happy sa panalo ni Megastar Sharon Cuneta as Best Actress sa 6th GEMS Hiyas ng Sining Awards.

 

 

Our beloved megastar won for her performance sa Daryll Yap movie na Revirginized.

 

 

Aminado naman si Sharon na medyo may takot siya when she accepted Revirginized. Ibang-iba kasi ito sa mga movies na ginawa niya before.

 

 

It was some kind of experiment for her. Pero sabi naman ni Shawie na she wanted to do something different.

 

 

We were pleasantly surprised that Sharon won sa GEMS Awards. Mabibigat din naman ang mga nakalaban niya.

 

 

Siyempre happy ang mga Sharonians sa panalo ng kanilang idol. With her win, ma-inspire kaya si Sharon to accept another project meant for Vivamax?

 

 

Busy pa rin si Mega taping for FPJ’s Ang Probinsyano. Wala pa silang eksena ni Coco Martin, bagay na inaabangan ng kanyang mga fans.

 

 

Wish din ng Sharonians na makagawa sila ng movie ni Coco, na gusto rin matupad ni Sharon.

 

 

***

 

 

NAGBABALIK-PRIMETIME si Kylie Padilla via the GMA Drama sports series na may tentative title na #Bolera.

 

 

Gaganap si Kylie na billiard player.

 

 

Makakapareha niya sa series si Rayver Cruz. Kasama rin sa cast sina Jaclyn Jose, Gardo Versoza at ang nagbabalik-Pusong si Joey Marquez.

 

 

Sa teaser announcement nang pagbabalik ni Kylie ay tinawag siyang Queen.

 

 

Marapat ba na siya ay tawagin na Queen? Baka mag-react ang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera?

 

 

Teka muna, ano ba ang basehan o criteria para maging karapat-dapat na tawaging “queen” ang isang artista?

 

 

Minsan kasi, kahit na parang di naman karapat-dapat, agad binibigyan ng titulo na queen of so and so ang isang artista, babae man o lalaki.

 

 

In fairness kina Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, ang tagal nila at stature sa industry ang naging basehan para sila ay tawagin na Superstar, Star for All Seasons, Megastar at The Diamond Star.

 

 

Hindi matatawaran ang husay at galing nila. Truly deserving sila of their title.

 

 

***

 

 

SUWERTE ang BenTria Productions sa maiden offering nila na Broken Blooms.

 

 

Nakatakdang magkaroon ng world premiere sa isang prestigious international film festival ang pelikula na dinirek ni Louie Ignacio mula sa script ni Ralston Jover.

 

 

Launching movie ni Jeric Gonzales ang Broken Blooms, na tinatampukan din nina Ms. Jaclyn Jose, Therese Malvar, Royce Cabrera, Boobay, Lou Veloso, Mimi Juareza, Cherry Alcala-Malvar at Rico Barrera.

 

 

Hindi pa raw pwedeng i-reveal kung saan international filmfest nakatakda ang world premiere ng pelikula. Pero tiyak na happy si Direk Louie sa balitang ito.

(RICKY CALDERON) 

Other News
  • Navotas nagkaloob ng tax refund

    Nagbigay ng tax refund ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga nagkaroon ng karagdagang multa dahil sa huling pagbabayad matapos na dalawang beses nang magbigay ng palugit para sa pagbabayad ng lokal na buwis.   Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance 2020-45 na nagkakaloob ng tax refund sa mga taxpayers na nagbayad ng […]

  • Pagsasanay ng mga atleta na kasali sa 2021 Tokyo Olympics, maaari nang mag-resume- Sec. Roque

    MAAARI nang mag-resume ng pagsasanay ang mga atleta na makikipaglaban o makikipagkumpetensiya  sa  2021 Tokyo Olympics.   Ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay sa pamamagitan ng  bubble set-up  upang masiguro na ligtas sila sa gitna ng  COVID-19 pandemic.   Sinabi ni Sec.  Roque na araw ng Lunes nang pumayag ang Inter-Agency Task Force […]

  • 50th MMFF, paghahandaan na ng MMDA: VILMA at CEDRICK, aabangan kung magwawagi uli sa ‘Manila International Film Festival’

    KINUMPIRMA ni MMDA chairman Atty. Romando Artes na noong ika-7 ng Enero, ang opisyal na pagtatapos sana ng 49th Metro Manila Film Festival, ang 10 pelikulang pinalabas ay sama-samang nakapagtala ng P1.069 bilyon, na kinabog ang dating record na hawak noong 2018 edisyon ng taunang pagdiriwang.       Ang 44th MMFF ay nakapagtala ng […]