5 milyong doses ng Pfizer vaccine na gagamitin sa Resbakuna Kids, paparating ngayong buwan – Galvez
- Published on February 11, 2022
- by @peoplesbalita
INAASAHANG darating ngayong Pebrero ang nasa limang milyong Pfizer vaccine na gagamitin sa mas pinalawig ng pagbabakuna sa mga kabataang may edad na 5 hanggang 11 na nagsisimula na ngayon at sisimulan na rin sa Region 3 at 4- A.
Ito ang iniulat ni NTF against COVID 19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ani Galvez, ang 5 milyong pfizer doses na paparating ngayong Pebrero ay bukod pa sa una ng dumating na 780,000 doses.
Sa Pebrero 10, paparating pa ang 780,000 doses at isa pang 780,000 doses ang darating naman sa Pebrero 16.
Habang may panibagong 780,000 doses pa ang susunod na paparating habang sa Pebrero 23 ay darating naman ang 1.6 milyong doses at sa Pebrero 28 naman ay may 2.1 milyon na Pfizer vaccine arrival.
Sa kabuuan ani Galvez ay papalo sa 5.2 milyong doses ng bakuna ang aasahang darating ngayong buwan ng Pebrero.
-
Pag-imprenta ng balota para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections, uumpisahan na
NAKATAKDA nang umpisahan ng Commission on Elections (Comelec) ngayong araw, September 20 ang pag-imprenta ng official ballots para sa isasagawang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa buwan ng Disyembre. Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, ang isang buwang schedule para sa printing job ay dapat na raw matapos sa October 20 kahit […]
-
ELLEN, priority pa rin ang anak kahit nagbalik-sitcom na; first and only choice ni JOHN
BILANG line-producer ng sitcom na John en Ellen for CIGNAL TV, pwedeng mamili si John Estrada kung sino ang gusto niyang partner. First and only choice ni John si Ellen Adarna although worried baka hindi ito ready magbalik-acting. “The role is really meant for her but I was afraid that […]
-
WANTED SA PANANAKIT SA KA-LIVE-IN NA BUNTIS, ARESTADO SA MALABON
ISANG lalaking wanted dahil sa pananakit sa kanyang walong buwan buntis na live-in partner ang arestado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, si Rickman Serafin, 30 ng Blk 14G, Lot 14, Teacher’s Village, Brgy. Longos ay […]