• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Johnson, 3 iba pa gigil na sumabak

ATAT nang sumalang ang apat na mga bagong import sa kabuuang 12 mga masisilayan sa pagsisimulang muli ng 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021-22 Governors’ Cup elimination round  ngayong Biyernes, Pebrero 11 sa Araneta Coliseum, Quezon City.

 

 

Ang grupo na mga bagong reinforcement ay sina Orlando Johnson ng San Miguel Beer, Jamel Artis ng NorthPort, Shawn Glover ng Blackwater at Donald Tankoua ng Phoenix Super LPG.

 

 

Dati nang sumalang sa Barangay Ginebra San Miguel sa katulad na conference noong 2015 si Johnson na pakay maituloy ang tatlong ragasa ng Beermen pagkaraang matigil ng torneo noong Enero 5 dahil sa paglobo ng impeksiyon ng COVID-10 sa bansa.

 

 

“Nakakapag-practice na siya sa amin noon pang February 1. Shooter pa rin si Johnson,” ani Beermen team manager Gelacio Abanilla nitong Martes. “Naiinip na nga raw siya atat nang maglaro.”

 

 

Tulad ni Johnson, beterano ng National Basketball Association (NBA) si Artis na rerelyebo sa injured na si injured Cameron Forte at walang naipanalo sa apat na sabak sa Batang Pier.

 

 

Kakakampanya lang sa Iceland, si Glover muna ang aako sa trabaho nang pinahingang si Jaylen Bond makalipas na mabokya sa limang laro ang Bossing sa season-ending tourney.

 

 

Si National Collegiate Athletic Association  big man Donald Tankoua ng San Beda Red Lions naman ang papalit sa may mild hamstring na si Paul Harris sa Fuel Masters. (CEC)

Other News
  • JULIA, hiyang-hiya sa titulong ‘Princess Royalty of the Century’ dahil sa pressure at mataas ang expectation

    ‘DRAMA ang ibinigay na title ng Viva Films si Julia Barretto.     Nahiya daw si Julia sa title na ibinigay sa kanya.     Well, dapat lang naman siyang mahiya kasi hindi siya deserving of such tag.  Maski si Julia ay batid na masyadong mataas ang expectation na nakakabit sa nasabing tag.     […]

  • Enrile, gustong ideklarang persona non grata ang ICC

    SINABI ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na hindi dapat payagan na makapasok ng bansa ang International Criminal Court (ICC) probers para magsagawa ng pormal na imbestigasyon hinggil sa kampanya laban sa illegal na droga ng pamahalaan.   “Pag punta dito, dapat wag papasukin sa bansa. Prevent him. The Immigration must not allow him […]

  • Paghahanap sa 14 Pinoy sa OccMin boat collision, patuloy pa rin

    Nagpapatuloy pa rin ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard o PCG sa mga nawawalang mangingisda at pasahero ng isang fishing boat sa Occidental Mindoro.   Katuwang ngayon ng PCG sa paghahanap ang tauhan ng Philippine Navy at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR maging ang Bureau of Fire Protection o […]