• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Opensa Depensa Ni REC Alaska Milk babu na sa PBA

TATAPUSIN na lang ng Alaska Milk ang kasalukuyang 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors’ Cup bago magpaalam sa unang propesyonal na liga ng sport sa Asya sa taong ito.

 

 

“All good things come to an end,” namamalat na bulalas ni team owner Wilfred Steven ‘Fred’ Uytengsu Jr.  sa pinatawag na Zoom press conference Miyerkoles ng umaga. “The franchise will be leaving the PBA at the end of our 35th and final season.”

 

 

Sa pang-36 na taon sa loob ng 35 season (1986-2002) sa liga, sumungkit ang Aces ng 14 na kampeonato, pinakamalaki ang 1996 grand slam o pagwalis sa tatlong conference sa paggabay ni coach Earl Timothy ‘Tim’ Cone.

 

 

“No immediate buyers yet, but it remains a possibility that we can sell our franchise to another company if they want to come in at the end of the season,” panapos ng 60-anyos na may ari ng koponan sa ilalim ng Alaska Milk Corporation.

 

 

Kung walang bibili sa kompanyang gatas, mapipilitan si Uytengsu na ibalik ang prangkisa sa PBA at ang mga player ay paghahati-haatian ng 11 koponang natira via dispersal draft.

 

 

Malilibre sa merkado na tiyak pag-aagawan ang kalibre ng mga basketbolistang sina Jeron Teng, Abu Tratter, Mike Digregorio, Rob Herndon, Maverick Ahanmisi, Ben Adamos at Allyn Bulanadi at iba pa.

 

 

Nalungkot sigurado ang mga miyembro ng PBA board of governors o kinatawan ng mga may ari ng koponan sa pamumuno ni Victorico Vargas ng TNT sa paglisan nang matagal nilang kasama.

 

 

Maging ang mga bumubuo sa tanggapan ng liga sa pangunguna ni Commissioner Wilfrido Marcial, ang sektor ng negosyo at ang media, lalo na ang PBA Press Corps.

 

 

Pero ganyan talaga ang buhay, sabi nga walang permanente sa mundo nating ginagalawan. (REC)

Other News
  • NAGSULPUTANG PEKENG COVID VACCINE, BABANTAYAN NG NBI

    NAGSASAGAWA ng monitoring ang  National Bureau of Investigation (NBI) para mabantayan ang pagpuslit ng mga nagsulputang  pekeng  Covid-19 vaccines sa bansa.   Kaugnay nito, sinimulan na rin ng NBI ang imbestigasyon sa importation, selling at distribution ng Covid-19 vaccine na hindi dumaan sa tamang proseso at hindi aprubado ng food and Drugs Administration (FDA).   […]

  • Lockdown sa PSC, RMSC, Philsports

    PARA masiguro na mapigilan ang paglaganap ng Novel Cornavirus Disease (COVID- 19), minabuti ng Philippine Sports Commission (PSC) na pansamantalang isasara ang tanggapan sa Maynila at Pasig upang isailalim sa sanitation ngayong araw (Biyernes, Marso 13).   Walang pasok ang mga empleyado at pansamantalang hindi muna ipagagamit sa publiko ang mga sports facilities sa Rizal […]

  • Travel ban sa Singapore, posibleng isama dahil sa COVID-19

    PINAG-AARALAN na ng Department of Health (DOH) kung isasama na rin ang Singapore sa travel ban dahil sa banta ng 2019 coronavirus disease o COVID-19.   Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, na imakiki-pagpulong siya sa inter-agency task force at ipiprisinta niya ang risk assessment upang matukoy kung napapanahon na bang isama na rin […]