• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga dating manlalaro at staff ng Alaska Aces nalungkot sa pag-alis ng koponan sa PBA

NAGPAHAYAG ng kanilang kalungkutan ang mga dati at kasalukuyang manlalaro maging ang coach ng Alaska Aces dahil sa pagtatapos na ng koponan ng franchise nito sa Philippine Basketball Association (PBA).

 

 

Sa kani-kanilang mga social media ay ibinahagi ng ilang mga dating manlalaro ang mga magagandang alaala sa paglalaro sa Aces.

 

 

 

Sinabi ni Barangay Ginebrea deputy Richard del Rosario na mananatili ang alaala ng Aces sa kasaysayan ng PBA.

 

 

Nabigla at nalungkot naman si dating Alaska Aces center Nic Belasco ng mabalitaan ang hindi na pagsama ng Aces sa PBA.

 

 

Nagpasalamat naman si Gins coach Tim Cone na naging bahagi rin ito sa Alaska Aces.

 

 

Magugunitang inanunisyo nitong Pebrero 16 ng Aces na hindi na nila irerenew ang kanilang prankisa sa PBA matapos ang 35 taon.

 

 

Nagsimulang sumali sa PBA ang Alaska noong 1986 kung saan nakakuha sila ng siyam na kampeonato kabilang ang Grand Slam noong 1996 at nagkampeon pa ng limang beses mula 2000 hanggang 2013.

Other News
  • Obiena ‘di kinumpleto ang Golden Challenge

    HINDI tinapos ni Ernest John ‘EJ’ Obiena ang Golden Roof Challenge matapos itigil ng mga namamahala ang sanhi nang masamang panahon.   Pumasa na ang 24-anyos na University of Santo Tomas Engineering student at isa sa mga pambato ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa 5:30 metro nang magsimulang umambon at tuluyang lumakas […]

  • 24/7 BI ONE-STOP-SHOP OFFICE, PINASINAYAAN

    PINASINAYAAN ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang bagong 24/7 One-stop-shop na tanggapan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).     Ang kanilang bagong tanggapan ay matatagpuan sa ikatlong level, Government Clearing Center ng NAIA Terminal 3  na nagseserbisyo sa mga dayuhang pasahero  na nangangailangan ng visa extension at exit clearances.     Pinangunahan ni  […]

  • 2020 democracy index result, isang patunay na buhay at gumagana ang demokrasya sa Pilipinas

    HINDI maituturing na major slip ang ulat ng think tank Economist Intelligence Democracy Index 2020, na umano’y nananatili Raw na bagsak ang sistema ng demokrasya sa Pilipinas.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kung titingnan ang data result ng democracy index, lumalabas na naungusan talaga ng Taiwan, Malaysia at Timor Leste ang pilipinas.   […]