• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NASAGI SA BALIKAT, TRUCK DRIVER, NANAKSAK NG 5 KATAO

SUGATAN ang limang indibidwal kabilang ang isang babae nang mistulang naghuramentado ang isang lasing na  truck driver matapos na nagtalo dahil lamang sa nagkasagian ng balikat sa Tagaytay City Huwebes ng gabi.

 

 

Isinugod sa Ospital ng Tagaytay ang  biktimang sina   Jorgie Bagay y Legaspi, (babae), 41; Jan Rishan Fajardo y Cortez, 19; Ron Justine Bagay y Legaspi, 19; Francis Aala y Anacay, 19; at Cedrick Javier y Delos Reyes,  18, pawang residente ng Brgy Kaybagal, Tagaytay City; dahil sa tinamong sugat sa katawan mula sa saksak ng suspek na si  Silvestre Pelayo y Tiquin,  41, isang truck driver.

 

 

Sa ulat ni PSSgt Archie Paclibar ng Tagaytay City Police, alas-9:45 kamakalawa ng gabi habang kapwa naglalakad ang suspek at Javier sa Purok 63, Brgy Kaybagal Central, Tagaytay City nang nagkasigaan ang kanilang balikat.

 

 

Dahil nakainum ang suspek, nagalit at kinompronta nito si Javier at dahil malapit lang ang bahay ng kaibigan na pupuntahan nito, nagsumbong ang huli  kaya  sumaklolo ang apat.

 

 

Dito na nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga biktima at suspek  hanggang sa nauwi sa suntukan at dahil may dalang balisong ang suspek, mistulang naghuramentado ito at iwinasiwas sa mga biktima na dahilan ng kanilang mga  sugat.

 

 

Matapos lapatan ng lunas sa ospital, pinauwi rin ang mga biktima dahil hindi naman malala ang kanilang mga sugat  bukod kay Jorgie habang ang suspek matapos na nagtago ay kusang loob din  sumuko sa awtoridad. (GENE ADSUARA)

Other News
  • JULIA, pinupuri ng netizen at celebrities dahil pursigido na makatapos sa pag-aaral; ‘Dean’s Lister’ pa

    PINUPURI si Julia Montes ng netizens dahil sa pagpupursige niya na makatapos sa pag-aaral kahit kasabay ito ng kanyang pag-aartista.     Ang kinukuha niyang kurso sa Southville International School and Colleges ay BSBA Major in Marketing Management, na dahil sa taas ng nakuha grado ay qualify siya sa Dean List ng Second Semester ng […]

  • Solons sa LTFRB: Kaawaan ang mga traditional jeepney drivers sa gitna ng COVID-19 pandemic

    Hinimok ng mga miyembro ng minorya sa Kamara ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na ikonsidera ang sitwasyon ng ilang libong traditional jeepney drivers sa ilalim ng kanilang public transport modernization program.   Umapela si House Minority Leader Bienvenido Abante Jr. sa LTFRB at Malacañang na kaawaan naman ang solusyunan ang sitwasyon ng mga […]

  • Amsali, Sanchez, Ynot dagdag pangil ng Beda

    MABANGIS pa rin ang San Beda University Red Lions sa darating na National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 96 men’s basketball tournament dahil may malulupit na bagong tatlong bagitong manlalaro.   Sinigurado na ng SBU na maisasalang sina Rhayyan Amsali, big man Justine Sanchez at ang defensive player Tony Ynot na itinaas na sa senior […]