SEKYU TINARAKAN SA LIKOD NG SELOSONG BARANGAY EX-O
- Published on February 24, 2022
- by @peoplesbalita
MALUBHANG nasugatan ang isang 55-anyos na security guard matapos saksakin ng 67-anyos na barangay opisyal dahil sa selos nang makitang binisita ng biktima ang babaeng nililigawan ng suspek sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Ginagamot sa Manila Central University (MCU) hospital sanhi ng tinamong saksak sa likod si Raul Baquirin, 55 ng 221 Laura St. Brgy. Old Balara, Quezon City.
Kinilala naman ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot ang suspek na si Danilo Manansala, 67, Barangay Executive Office (Ex-O) ng Brgy. 17, Caloocan City.
Ayon kay P/SSgt. Jeric Tindugan, binisita ni Baquirin ang kanyang kapwa security guard na si Rowena Basinillo, 38, sa bahay nito sa 33 Guava Road, Purok Uno, Brgy. Potrero dakong alas-12 ng tanghali kung saan inalok siya nito na kumain ng tanghalian kasama niya na pinaunlakan naman ng biktima.
Habang kumakain ng tanghalian ang dalawa bandang ala-1:15 ng hapon nang sapilitang pumasok sa loob ang suspek at sinaksak sa likod ang biktima nang makita niyang sabay na kumakain ang dalawa.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek sakay ng isang Mitsubishi L300 van (NBJ-7820) habang isinugod naman ang biktima sa naturang hospital.
Nang puntahan ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 sa pamumuno ni P/Lt Joseph Almayda ang suspek sa kanyang bahay sa Caloocan City ay wala na ito kaya patuloy itong hinahanting ng pulisya. (Richard Mesa)
-
Here’s everything you need to know before watching “Dune: Part Two” on February 28
Haven’t gotten around to watching the first Dune? Warner Bros. has just released a “catch-up video” to get you up to speed before watching Dune: Part Two, the highly anticipated big-screen, epic adventure of the year. Catch up in under two minutes here: https://youtu.be/74MYxtaZN6U Tickets to Dune: Part Two are also available now. Don’t miss […]
-
Trabaho sa BPO, naghihintay sa mga uuwing OFW
May naghihintay na oportunidad sa trabaho sa mga industriya ng business process outsourcing (BPO) para sa mga uuwing overseas Filipino worker, partikular sa mga mayroong karanasan sa information technology at healthcare, ayon sa Department of Labor and Employment. Kasunod ito ng pagtutulungan ng DOLE at ng IT and Business Process Association of the Philippines […]
-
After Sanya, si Herlene naman ang aapihin: MAXINE, nag-e-enjoy kaya kina-career ang pagiging kontrabida
KINA-CAREER ni Maxine Medina ang pagiging kontrabida at inamin nitong nag-e-enjoy siya. Nasubukan na kasing maging kontrabida ng former Miss Universe Philippines 2016 kay Sanya Lopez sa teleserye na ‘First Yaya’. Ngayon ay si Herlene “Hipon Girl” Budol ang makakatikim ng kanyang pagtataray. “Parang enjoy na rin ako sa […]