• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Provincial bus, aarangkada na ulit sa Metro Manila

MULING aarangkada ang biyahe ng mga provincial bus papasok at palabas ng Metro Manila.

 

 

Ito ay makaraang magpalabas ng direktiba ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa pagpayag nitong makabiyahe ulit ang mga provincial buses para sa mga inter-regional na biyahe.

 

 

Nakasaad sa  Memorandum Circular No. 2022 – 023, ang  lahat ng public utility bus operators na may valid at existing Certificate of Public Con­­­ve­ n­ie­nce (CPC), Provisional Authority (PA), at Special Permits ay pinapayagan nang mag-operate at gumamit ng mga itinalagang end-point terminals papunta at palabas ng Metro Manila.

 

 

Ang mga provincial commuter route na magmumula sa CALABARZON ay papayagan sa orihinal nitong terminal sa Araneta Bus Terminal sa Cubao sa pamamagitan ng C5.

 

 

Gagamitin pa rin ang mga provincial commuter route na may pre-COVID endpoints sa Buendia, Makati, Pasay, at Manila bilang kanilang endpoint ang Parañaque Integra­ted Terminal Exchange (PITX), kabilang ang mga manggagaling sa Que­zon, MIMAROPA, at Bicol.

 

 

Para sa mga provincial bus mula sa Region 1, 2, at Cordillera Admi­nistrative Region (CAR), pinapayagan silang magbaba ng mga pasahero sa North Luzon Express Terminal (NLET) kung saan may mga city bus na maghahatid sa kanila sa Metro Manila.

 

 

Ang mga provincial bus mula sa Rehiyon 3 ay pinapayagang mag-pick up at magbaba ng mga pasahero sa mga terminal gaya ng Araneta Center Cubao at NLET depende sa ruta ng authorized unit.

 

 

Ang mga mula Visayas at Mindanao hanggang Metro Manila ay pinapayagang sumakay at magbaba ng mga pasahero sa Santa Rosa Integrated Terminal (SRIT), habang mayroon ding mga city bus na maghahatid sa kanila sa Metro Manila.

 

 

Gayunman, pinayuhan ng LTFRB ang mga bus operator na  i-secure ang QR Code sa bawat awtorisadong unit na minamaneho bago ang operasyon. Maaari nilang i-download ang QR code sa www.ltfrb.com.ph (Daris Jose)

Other News
  • SMART/MVP-Philippines Team lalahok sa 2022 Asian Taekwondo Championships

    SASALANG ang Smart/MVP Sports Foundation national kyorugi at poomsae teams sa 2022 Asian Cadet/Junior/Para Taekwondo Championships sa Agosto 22-27 sa Ho Chi Minh City, Vietnam.     Ang 45-man delegation ay binubuo ng walong opisyal sa pamumuno ni taekwondo association secretary ge-neral Raul Samson at 22 kyorugi at 15 poomsae athletes.     Ang paglahok […]

  • Diaz may plano para sa mga nais maging weightlifter

    Sakaling dumating ang oras na kailangan na niyang magretiro ay gusto ni national weightlifter Hidilyn Diaz na maging opisyal ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP).     Ito, ayon sa 30-anyos na tubong Zamboanga City, ay para matulungan ang mga batang weightlifters na makapaglaro rin sa Olympic Games kagaya niya.     “Siguro iyong purpose […]

  • Inanunsiyo isang araw bago ang kanyang kaarawan: VILMA, nagkaroon pa rin ng COVID-19 kahit sobrang ingat na

    MAS lalo raw ginagalingan ni Jeric Gonzales ang pag-arte kapag nakararating sa kanya ang pambabatikos ng iba tungkol sa papel niya bilang si Davidson Navarro sa Start-Up PH.     Alam niya na hindi lahat ay kaya niyang i-please, na mayroon pa ring ilan na hanggang ngayon ay hindi matanggap na kasali siya sa cast […]