• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BAGONG COMELEC CHAIRMAN NANGAKONG DEFENDER NG DEMOCRACY

NANGAKO  na maging “tagapagtanggol ng demokrasya,” ang bagong hinirang na Chairman ng  Commission on Elections (Comelec)  nitong Miyerkules sa kanyang pormal na pagkakaluklok bilang Chairman ng poll body.

 

 

Sa isang seremonya ng pagsalubong kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, binanggit nito na sa ilalim ng kanyang termino ay palalakasin niya ang “sanctity of vote and independence” ng poll body.

 

 

“I stand before you today as a defender of democracy who will be independent and conscientious in giving life to the fundamental freedom of suffrage. We will honor and protect the Constitution in every decision we pen, in every program and project we undertake, and even in every single vote we count. The sanctity of the vote shall be our guiding principle,” sabi ng bagong talagang poll  chairman

 

 

Sinabi ni Pangarungan na bilang isang collegial body, umaasa siyang nakikipag tulungan ang kapwa nito komisyoner sa kanya sa pagtataas sa antas ng integridad ng komisyon.

 

 

Aniya, ito ay kinakailangan dahil ang Comelec ay naglalaman ng pinaka esensya ng demokrasya.

 

 

Sinabi pa ni Pangarungan na pangangalagaan niya ang mga empleyado ng Comelec at idinagdag na imaximize niya ang mga benepisyo ng kanilang mga empleyado.

 

 

Nangako rin siya na “pagbutihin, repormahin, at itaas” ang antas ng serbisyo ng poll body habang inaalala niya kung paano siya nagtrabaho bilang Interior Secretary sa ilalim ng termino ni dating Pangulong Cory Aquino sa pagtanggal ng hindi bababa sa 2,000 “ghost barangays,” na idinagdag na ito ang “pinakamalaking pandaraya sa eleksyon sa ating bansa.

 

 

“As we work, let us remember that we owe this service to the Filipino people. We will not let the Filipino people down,” dagdag pa ng bagong hirang na opisyal.

 

 

Si Pangarungan ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte  bilang interim chairperson ng Comelec.

 

 

Siya ay pinuno ng  National Commission on Muslim Filipinos bago siya maitalaga  sa Comelec.

 

 

Nilagdaan din ng Pangulo ang appointment nina  George Erwin Garcia  at Aimee Torrefranca-Neri bilang  ad interim Comelec commissioners.

 

 

Si Garcia ay isang election lawyer na ang mga dating kliyente ay kinabibilangan ng mga kandidato sa pagkapangulo na sina Manila Mayor Isko Moreno at dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., Senators Grace Poe at Aquilino “Koko” Pimentel III.

 

 

Si Torrefranca-Neri, sa kabilang banda, ay isang undersecretary ng Department of Social Welfare and Development. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Naapektuhan sa pandemiya, exempted sa pagbibigay ng 13th month

    MAARING exempted sa pagbabayad ng 13th month ang mga kumpanya at business establishment na kabilang sa lubhang naapektuhan ng pandemya o mga tinuturing na “distressed company”.   Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III sa isang press briefing, na ang pagbabayad ng 13th month pay sa mga manggagawa ng mga kumpanya at establisyimento ay excepted […]

  • Truck ban sa MM muling binalik; NLEX tumaas ang toll fees

    Ang truck ban sa Metro Manila ay muling binalik simula noong nakarang May 17 ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos sumailalim ang rehiyon sa mas di mahigpit na community quarantine hanggang sa katapusan ng buwan.     Sa isang pahayag ng MMDA na nakalagay sa kanilang Facebook page, sinabi ng MMDA na ang mga […]

  • 17.9 milyong mag-aaral naka-enrol na – DepEd

    INIULAT  ng Department of Education (DepEd) na umaabot na sa higit 17.9 milyon ang bilang ng mga mag-aaral na nagpatala na para sa susunod na pasukan.     Batay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2022-2023, nabatid na hanggang alas-7 kahapon, nakapagtala na ang DepEd ng kabuuang 17,900,833 enrollees. […]