• January 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Minimum wage pinarerebyu ng DOLE

INATASAN na ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa bansa na bilisan ang pagsusuri sa umiiral na ‘minimum wage’ kada rehiyon upang matulungan ang mga manggagawa na makaagapay sa hirap dulot ng krisis sa langis.

 

 

Sinabi ni Bello na ang napakalaking pagtaas sa presyo ng petrolyo dulot ng sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine ay maaaring dahilan para magkaroon ng pagbabago sa minimum na sahod ng mga manggagawa ngayon.

 

 

Ang kasalukuyang minimum wage sa National Ca­pital Region (NCR) na P537 kada araw, halimbawa, ay maaaring hindi na sapat para matugunan ang pa­ngunahing pangangailangan ng mga manggagawa sa rehiyon.  Posibleng hindi na ito sapat sa pagkain, ­kuryente at tubig.

 

 

Sinabi ni Bello, chairman ng RTWPB, na pinakamalaking hamon sa kanila ang pagtatakda ng minimum wage kada rehiyon dahil sa kailangang balansehin ito. Hindi ito dapat masyadong mababa para maging sapat sa pangangailangan ng mga manggagawa at hindi rin dapat masyadong mataas para naman hindi makaapekto sa mga ne­gosyo na maaaring magsara.

 

 

Inamin ni Bello na nakatanggap na ang lahat ng RTWPB sa buong bansa ng petisyon para sa pagtataas sa minimum wage sa kani-kanilang lugar na nasasakupan. Isa umano sa petisyon na natanggap nila ay ang isang P750 increase sa buong bansa.

 

 

Inaasahan ni Bello na makapagsusumite na ang mga RTWPB ng kanilang mga rekomendasyon bago magtapos ang Abril.

 

 

Samantala, suportado ng Malacañang ang kautusan na i-review ang minimum na sahod. Sinabi ni Communications Secretary at acting presidential spokesperson Martin Andanar na si Bello ang “alter ego” ni Pangulong Duterte at gagawa ito ng mga desisyon na makakatulong sa bansa at sa mga mamamayan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Sobrang taas ng presyo ng baboy, tinutugunan ng pamahalaan

    KASALUKUYAN nang kumikilos ang gobyerno para tugunan ang sobrang taas ng presyo ng baboy. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na umaangkat na ang Department of Agriculture ng baboy na mula hindi lamang sa Visayas at Mindanao kundi pati na sa iba pang mga ASF-free areas ng Luzon. Maliban dito aniya ay nag-i-import na rin […]

  • Nadal hindi pa tiyak kung makapaglaro sa US Open

    Hindi pa matiyak ni Spanish tennis star Rafael Nadal kung maidedepensahan pa niya ang kaniyang titulo sa US Open.   Kasunod ito ng anunsiyo niya na lalahok siya sa Madrid Open.   Isasagawa kasi mula Agosto 31 hanggang Setyembre 13 ang US Open sa New York habang ang Madrid Open ay gagawin sa Setyembre 14. […]

  • DOTr: Inagurasyon ng 2 bagong LRT 2 stations pinagpaliban

    Pinagpaliban ng Department of Transportation (DOTr) ang inagurasyon ng 2 bagong estasyon ng Light Rail Transit Line 2 East Extension mula sa dating April 26 at inilipat sa June 23 dahil na rin sa kagustuhan na magpatupad ng striktong health protocols.     Hindi na muna tinuloy ang inagurasyon dahil na rin sa mga bagong […]