• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 300 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Valenzuela

HALOS 300 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang naganap na sunog sa isang residential area sa Valenzuela City, Linggo ng madaling araw.

 

 

Sa nakalap na ulat sa Valenzuela City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:20 ng madaling araw nang biglang sumiklab ang sunog sa residential area sa Sagip St., Brgy., Arkong Bato.

 

 

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan kaya’t agad inakyat ang sunog sa ikalawang alarma kung saan i-deneklara ng BFP na fire under control dakong alas-7:04 ng umaga.

 

 

Dakong alas-2:04 naman ng hapon nang ideklarang fire out ang sunog habang wala naman napaulat na nasaktan o nasawi sa inidente at inaalam pa kung magkano ang naging pinsala at anu ang pinagmulan ng naturang insidente.

 

 

Kaagad namang nagpadala si Mayor Rex Gatchalian ng rescue tea, social workers, at medical teams sa lugar para tulungan ang apektadong mga residente.

 

 

Nagtayo rin ang Pamahalaang Lungsod ng mga modular tents, mobile showers, at mobile kitchens, pati na rin ang pansamantalang tirahan ng mga alagang hayop sa mga evacuation sites sa Arkong Bato National High School at PR San Diego Elementary School kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga biktima ng sunog.

 

 

Namahagi rin si Mayor Rex ng family comfort packs, hygiene kits, food packs at magbibigay din ng financial assistance ang pamahalaang lungsod sa mga susunod na araw.

 

 

Inilatag naman ni Mayor Rex, Vice Mayor Lorie at mga konsehal ang long-term solution na gagawin ng pamahalaang lungsod kung saan isasaayos ang subdivision plan ng Sagip St. at sisiguruhing may maayos itong daanan para sa mga tao at sasakyan. (Richard Mesa)

Other News
  • 2 PINAY NA BIKTIMA NG TRAFFICKING, NAPIGIL

    NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang biktima ng human trafficking na magtatrabaho bilang mga entertainers sa  Singapore.     Sa ulat ng  BI  travel control and enforcement unit (TCEU) kay BI Commissioner Norman Tansingco na ang dalawa na may edad,25 at 34 ay tinangkang  sumakay sa Scoot Airlines  sa Clark International Airport (CIA) […]

  • AFP chief, nakipagpulong sa mga Muslim Leaders sa NCR

    NAKIPAGPULONG si AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay sa mga NCR-based Muslim Leaders na kinabibilangan ng mga muftis, imams at madrasah officials na ginanap sa Kampo Aguinaldo. Layon ng nasabing dayalogo ay para paigtingin pa ang koordinasyon ng AFP sa mga Muslim religious leaders para labanan ang terorismo sa bansa.   Pinangunahan ni NCR […]

  • Development agenda ng PBBM administration susuportahan

    NANGAKO ang multinational investment firm na Morgan Stanley na susuportahan nito sa pamamagitan ng investment ang agresibong development agenda ng Marcos administration.     Ito’y matapos makausap ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Chairman for Asia Pacific ng Morgan Stanley na si si Gokul Laroia sa sidelines ng World Economic Forum sa Davos, Switzerland.   […]